MATIWASAY nating naipagdiwang ang araw ng kamatayan ni Ninoy Aquino last week, ilang linggo lang matapos mamayapa ang asawa niyang si dating Presidente Aquino. Iiling-iling ang ulo ng barbero kong si Mang Gustin kasabay ng pagpuna sa mga personalidad na sumasakay sa isyu for political advantage.
Sabi ko naman, walang masama basta’t ang mga taong ito’y may genuine desire na mapabuti ang takbo ng pamahalaan. Iyan naman talaga ang adbokasya ni Tita Cory bukod sa preserbasyon ng demokrasya. Pero ibang isyu kung gusto lang umakit ng atensyon.
Tinukoy ni Gustin ang ilang personalidad na aniya’y “feeling kapuso at kapamilya” ng mga Aquino nang iburol ang mga labi ni Tita Cory sa La Salle, Greenhills. Aba, naroroon pala si Gustin na hindi lang ang damit at puso kundi pati ipin ay kulay dilaw (joke lang).
Aniya, isang kontrobersyal na dating opisyal ng gobyerno ang naroroon sa burol ni dating Pangulong Corazon Aquino sa Gym ng La Salle sa Greenhills. Napansin ni Gustin na halos lahat umano ng dumarating sa burol ng dating presidente para makiramay sa pamil-ya nito ay pinasasalamatan ng nasabing maepal na dating opisyal.
“Oh, di ba! Feeling kapamilya?” anang ngingisingi sing si Gustin habang ako’y minamasahe sa likod matapos gupitan.
Ani Gustin, nang ilipat ang mga labi ni Tita Cory mula sa Heritage Park, nasa first row pa ang taong ito na animo’y talagang blood relative ng pamilya Aquino. So what, sagot ko naman. Baka naman ganoon ang pagpapahalaga at paghanga niya sa kadakilaan ng mag-asawang Ninoy at Cory.
“Oo nga” sey ni Gustin Pero hindi na naisip ng dating opisyal na ito na ang first row ng mga upuan ay para sa mga anak at kapatid ng yumaong dating pangulong Aquino”.
Dagdag pa ng barbero ko, obyus na gusto lamang Makita sa camera ang taong ito na aniya’y balak tumakbo sa pagka-senador.
Ang sabi ko naman, Diyos lang ang puwedeng humusga sa laman ng puso ng tao.
Kung pumapapel lang o talagang nakikiramay, konsensya na lang niya ang bahalang umusig sa kan-ya. O, di ba?