Palasyo bistado sa pagbubulaan

ANG isda nahuhuli sa bunganga, anang kawikaan. Imbis na umamin at mag-sorry sa marangyang kainan sa America, na payo ni Miriam Santiago, nagpalusot ang Malacañang. Lalo tuloy nagkabaun-baon sa pagbubulaan:

(1) Sa pag-ako na siya ang sumagot sa hapunang $15,000 (P750,000) sa Washington, ani Quezon Rep. Danilo Suarez $12,000 lang ang pagkain pero may federal at state taxes pa. Aber, ipakita nga niya ang resibo. Sa restaurant tabs sa US, walang federal o state taxes, kundi sales tax lang.

(2) Dagdag ni Suarez na 65 silang kumain sa halagang ‘yun, kasama ang US Secret Service. Talaga? Tulad ng mga propesyonal sa Presidential Security Group, hin-   ding hindi kakain ang mga Secret Service men kasama ang subject na sine-secure. Nagbabantay lang sila. Pinararami ni Suarez ang kumain para itago ang $1,000 (P50,000) gastos kada isa sa 16 dumalo.

(3) Kesyo sa mamahaling Morton’s sana sila magi-steak pero sarado, ani Suarez, kaya sa mas murang Bobby Van’s na lang napadpad. Hinding hindi rin papayag ang Secret Service sa biglaan o pabago-bago ang lakad ng bisitang head of state. Matagal nang planado ang Bobby Van’s.

(4) Kesyo si Leyte Rep. Martin Romualdez naman    daw ang taya sa $20,000 (P1,000,000) hapunan sa Le Cirque. Wala umanong ginasta ang Malacañang sa dala­wang mamahaling handaan. Sa totoo lang, si Gloria    Arroyo ang nagbibigay ng P500,000 gift bags sa mga kongresista. Ang US junket ay balato niya rin sa mga alipures — hindi para sila ang magpakain.

(5) Sariling gastos ang mga kongresistang suma-     ma kay Arroyo, ani Press Sec. Cerge Remonde. Pero umamin si Rep. Benny Abante na wala siyang tinustusang hotel o pag­kain. Nagtaka kuno si Speaker Prospero Nog­rales kung bakit hindi na­sabihan sina Abante na ibabawas ‘yon sa travel   allowances nila.

(6) Ani Remonde nang pumutok ang isyu nu’ng Aug. 2, ilalabas nila lahat ng nagasta sa America sa Aug. 10. Pero kabuoang P19 mil­yon lang na pigura ang na­ibigay, walang detalye. Huling huling nanloloko.

Show comments