ANIM na milyong piso umano ang kabuuang halaga ng mga tip na ipinamudmod ni Ginang Arroyo at kanyang grupo sa mga waiter, bellboy, porter, driver, convoy escort, at housekeeping personnel sa United States nang nagpasyal sila roon mula Hulyo 29 hanggang Agosto 5 ng kasalukuyang taon.
Kami ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay nangilabot sa ganitong grabeng paggasta nina Ginang Arroyo. Ang naturang pigura ay base umano mismo sa dokumento mula sa Malacañang.
Ayon sa dokumento, $66,000 ang ginasta nina Ginang Arroyo sa Washington D.C. at $59,000 naman sa New York City para sa naturang napakagalanteng pamumudmod ng tip. Ang nabanggit na halaga ay ipinang-tip pa lang, iba pa ito sa mga ginasta nila sa ginawa nilang apat na marangya at maluhong hapunan sa apat na mamahaling restoran sa US.
Base sa mga naunang nabunyag, sina Ginang Arro-yo ay naghapunan noong Hulyo 30 ng lobster, steak, at fine wines na nagkakahalaga ng $15,000 sa Bobby Van’s Steakhouse sa 15th Street, Washington D.C. Kasunod nito, noong Agosto 2, kumain naman sila sa Le Cirque French restaurant sa Manhattan, New York City sa halagang $20,000.
Hindi pa nagkasya rito, nag-dinner pa sila muli noon ding gabing iyon ng Agosto 2 sa Bouley Restaurant sa Broadway Avenue, New York.
Ang ikaapat namang marangyang hapunan ay gina-nap sa Wolfgang’s Steakhouse sa Park Avenue sa New York din.
Patuloy na tinutunton kung saan nanggaling ang pe- rang ginasta sa matitinding “lavish dinner” at galanteng pamumudmod ng tip nina Ginang Arroyo.
Sa mga gustong lumi-ham kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejer-cito Estrada, ipadala ito sa kanyang tanggapan sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City. Ipagpaumanhin na hindi tinutugu-nan ng tanggapan ang mga solicitation letter.