OFW sa Riyadh na tinulungan ni Jinggoy

ISANG liham ng pasasalamat mula sa isa na namang natulungang OFW sa Riyadh ang natanggap ng tang­gapan ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment.

Ang OFW na itatago ko sa pangalang “Ana” ay biktima ng “contract substitution.” Umalis siya sa Pilipinas noong 2005 pero pagdating sa trabaho sa Riyadh ay pinapirma ng ibang kontrata kung saan ang mga nakasaad ay malayung-malayo sa pinirmahan niya dito sa bansa. Dahil dito, napilitan siyang tumakas sa kanyang employer at nanatili sa Riyadh nang walang travel documents dahil wala siyang pambili ng tiket pauwi sa bansa.

Noong nakaraang Mayo, naaresto siya sa isang “raid” ng mga otoridad sa Najem District, Riyadh  at ikinulong sa Riyadh Deportation Center.

Sumulat ang pamangkin ni Ana sa tanggapan ni      Jing­goy upang iparating ang kanyang kalagayan. Agad namang umaksyon ang tanggapan ni Jinggoy at tumu-gon sa naturang problema.

Sa tulong ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs sa pangunguna nina Secretary Alberto Romulo, DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) Executive Director Ma. Agnes Cer­vantes, at Philippine Embassy sa Riyadh, nabigyan si    Ana ng travel documents at nakauwi na sa San Jose, Nue-va Ecija noong Hulyo.

Sumulat si Ana kay Jinggoy at idinetalye ang kanyang sinapit sa Riyadh, at ipinaabot ang kanyang taus-pusong pasasalamat pati rin sa mga kapwa Pilipino sa Riyadh na tumulong sa kanya.

Tiniyak naman ni Jing­- goy na tuluy-tuloy niyang aaksyu­nan ang mga hina­ing ng mga OFW lalo na ang mga nabibiktima ng panli­linlang, pang-aabuso at pag­mamaltrato.

Sa mga gustong sumu­lat kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejer­cito Estrada, ipadala ito sa Room 602, Senate of the   Phi­lippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pa­ say City.

Ipag­paumanhin na hin-di tinu­tugunan ng tangga- pan ang mga soli­citation letter.


Show comments