Sina SPO4 Ramiro Cantor, SPO1 Manolito Estacio, PO3 Eduardo Gregorio at PO1 Feliciano Yu

MALIGAYANG-MALIGAYA ang mga honor guard na sina Army Pfc. Antonio Cadiente, Airman Second Class Gener Laguindan, Navy Petty Officer 3 Edgardo Rodriguez at PO1 Danilo Maalab sa sunod-sunod na biyayang dumating sa kanila matapos magsilbi ng siyam na oras sa libing ni dating President Corazon Aquino. Nakayanan nila ang siyam na oras na nakatayo, walang pagkain at inumin, walang ihian mula Manila Cathedral hang­gang Manila Memorial Park sa Parañaque City. Dahil sa ipina­kita nilang katapatan sa serbisyo, pinabuyaan sila ng tig-P25,000 ng mga negosyante at itinaas ang mga ranggo. Sa ngayon, kabi-kabila pa ang mga parangal na iginagawad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) bilang pagkilala sa serbisyong di matawaran.

Sa hanay ng PNP, ipinagmalaki nila ang kabarong si PO1 Maalab. Hindi tulad ng mga pulis sa Las Pinas City na puro kadatungan ang nasa isipan. Mantakin n’yo, habang abala ang AFP at PNP sa pagbibigay ng siguridad sa libing ni Cory, abala naman sina SPO4 Ramiro Cantor, PO3 Eduardo Gre­gorio at PO1 Feliciano Yu sa pag-aabang sa mga motorsiklo sa ka­habaan ng Naga Road, Pulang Lupa, kahit kasagsagan ng malakas na ulan. Walang pinalampas ang mga ito para kotongan.

Maraming beses na akong nakatatanggap ng mga rekla-      mo at kabilang dito sina Erick at Gina. Calling Las Pinas City chief Sr. Supt Clifton Empiso, pakihambalos mo sina Cantor, Gregorio at Yu sa kanilang kabastusan. Ayon kasi sa sumbong na nakarating sa akin, madalas nakatambay itong iyong mga tauhan sa kahabaan ng Naga Road hindi para manmanan ang mga terorista o kriminal, kundi abangan ang mga motor­siklo na madali nilang makikilan. Iyan ay kalat na kalat na sa nasa­sakupan ng presinto 8. Walang dalang TVR o paniket ang mga ito kung kaya oras na di maka-areglo ang violators ay kani­lang dinadala sa presinto upang takutin para makahingi ng malaking datung.

Hindi ko alam kung kasabwat nila ang kanilang hepe na si Insp. Tilos sa kanilang panghaharabas sa mga naka-motorsiklo dahil hindi naman nila ito kasama sa kanilang pag-aabang sa kanilang mabibiktima. NCRPO chief Gen. Roberto Rosales, paki-aksyunan mo itong reklamo ng mga taga-Las Piñas upang muling manumbalik ang pagtitiwala ng mamamayan sa mga pulis. And speaking of kabastusan ng mga pulis, mukhang sumobra yata ang kaastigan ni SPO1 Manolito Estacio ng Manila Police District Traffic Bureau. Dahil ayon sa reklamo ng biktima niyang si George, sobrang naging mata-pobre kung magturing si Estacio sa isang katulad niya na tumutulong la-mang sa kapatid na nakaaksidente ng isang tricycle. Noong Martes ng madaling araw umano ay nakaaksidentte ang kanyang kapatid na si Robert Ching sa kanto ng Vito Cruz at Roxas Bou­­le­ vard, Malate, Manila kung kaya agad siyang nagtungo upang saklolohan ang kanyang kapatid at upang makatulong na rin sa pag-asikaso sa mga biktima. Maayos na­man umano ang pangyayari dahil maliit lang naman ang na-ging pinsala ng aksidente at ang dalawang pasahero ay agad naman nilang dinala sa malapit na hospital upang ipagamot.

Mukhang hindi ata nagustuhan ni Estacio ang pagtu-        long ni George sa kapatid kayat mula sa pinangyarihan ng ak-si­dente ay naging mainit na ang dugo nito hanggang sa himpilan ng traffic sa Port Area. Magagaspang na salita ang narinig ni George mula kay Estacio na hindi dapat na inaasal ng pulis.


Show comments