PATINTERO, larong pambata sa ating bansa kung saan ang estilo ay lulusutan ng manlalaro ang mga na-kabantay o taya upang makatawid lamang sa susunod o kabilang puwesto.
Tinatawag rin ang patintero na haragang-taga dahil oras na hindi ka makaiwas sa mga nagbabantay at mahagip ang anumang parte sa katawan ng manlalaro, ikaw ay tatapikin o tatayain.
Subalit sa larong patintero na nakita ng BITAG sa Quezon City Memorial Circle, dalawa lamang ang kahahantungan ng mga pedestriyang tumatawid rito.
Kapag minalas na mahagip ng mga rumaragasang sasakyan, pagamutan o libingan lamang.
Mapanganib ang paikot na kalsada ng Quezon Memorial Circle para sa mga taong tumatawid rito papunta at palabas ng parke.
Ito ay mula sa mga eksperto sa pangkaligtasan sa kalsada ng Metro Manila Development Authority at ang Automobile Association of the Philippines.
Maging sa record ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit, nagpapakitang hindi ligtas ang elliptical road ng Quezon Memorial Circle dahil lumala-bas na mas mataas ang aksidente sa tao na namatay at nasugatan.
Natuklasan ng BITAG na isang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng MMDA at pamunuan ng Quezon Memorial Circle ang namamagitan.
Naglahad na raw ng solusyon ang MMDA sa pa-nganib na kakaharapin ng mga pedestriyan sa lugar na ito, at ito ay ang paglalagay ng kanilang mga footbridge.
Subalit kinontra na- man raw ng pamunuan ng Quezon Memorial Circle, masisira raw ang kagandahan ng buong parke o ang tinatawag nitong aesthetic value raw.
Kaya ang sistema, di bale nang maraming madisgrasya basta’t huwag lang masira ang kagandahan ng kanilang tanawin.
Kaya naman namagi- tan na ang lokal na pamahalaan ng Quezon City kung saan isa ang naitayo na at kasalukuyang isa ang gi nagawa pa na underpass papunta at palabas ng parke.
Napansin naman ng AAP na kulang sa mga road signs ang elliptical road sa Quezon Memorial Circle.
Kabilang na rito ang mga simbolo kung saan nagpapakitang tawiran ng mga may kapansanan o person with disability.
Ni wala raw nakalagay na speed limit sign sa nasabing rotunda ng circle kaya walang habas na rumaragasa ang mga sasakyan. Isang dahilan na hindi pagkakita ng mga moto rista sa mga tatawid na pedestrian.
Sa underpass, hindi pa lubusang nasolusyunan ang problema. Hindi pa nawawala ang panganib, nabawasan lang para sa mga taong tumatangkilik ng Quezon Memorial Circle.