SINAMANTALA ng aming panganay na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang session break ng Senado upang makasalamuha ang mga overseas Filipino workers sa Kuwait at matukoy kung paano sila mabibigyang proteksyon sa pamamagitan ng pag-akda at pagpapaigting ng mga batas.
Gayundin, pinasalamatan at pinasaya ni Jinggoy, Chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment (COCLE), ang libu-libong OFWs doon sa pama magitan ng libreng pagpapalabas ng kanyang peliku-lang “Katas ng Saudi.” Ang libreng screening na ito ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ating mga kababayan sa Kuwait ng Araw ng Kalayaan.
Bukod sa pagiging mahusay na pelikula at makatotohanang paglalahad ng buhay ng isang OFW, ang “Katas ng Saudi” ay naipalabas bilang bahagi ng reintegration program ng Department of Labor and Employment. Pagkatapos ng screening at gamit ang mga eksena sa pelikula bilang halimbawa, nagkakaroon ng seminar at talakayan tungkol sa wastong pagpapalago ng pera, pagne-negosyo, counseling tungkol sa problema sa pamilya, paghahanda sa pagreretiro, re-training, at paghahanda sa pagbabalik-bayan.
Pasasalamat. Sa ngalan ni Presidente Erap at aming anak na si Sen. Jinggoy Estrada, nagpapasalamat kami sa naging mainit na pagsalubong sa amin ng ating mga kapwa Pilipino sa Kuwait.
Nais din naming magpasalamat sa lahat ng tumulong sa aming delegasyon, sa pangunguna na ni Ambassador Ricardo Endaya, Vice Consul Rea Oreta, Labor Attaché Josephus Jimenez, Dr. Chie Umandap, Welfare Officer Yolly Peñaranda, Mr. Francis Roque, Mrs. Marie Palacios Al-Ameri, Mr. Willie Lao, Mr. Manny Cornelio, Mr. Manuel Galicia, Mr. Benjie Ugaban, Mr. Anthony Julaton, Mr. Mickey Mendoza, Mr. Allan Tolentino at Ms. Marcy Sy. Salamat din sa mga community lea- ders sa Kuwait na nagi- ging kaagapay ng ating OFWs.
Gayundin sa mga Pilipinong staff ng Costa del Sol Hotel, Marina Hotel, Qatar Airways at Avenues Mall na nakilala namin, nag-asikaso sa buong delegasyon at patuloy na nagtatagu-yod ng kabutihan at kagalingan ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong-dagat. Mabuhay po kayo!
Sa mga gustong lumiham kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, ipadala lang ang inyong mga liham sa kanyang tanggapan sa Room 602, Senate of the Philippines , GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City.
Ipagpaumanhin po ninyo na hindi tinutugunan ng tanggapan ang mga solicitation letter.