EDITORYAL - Ang mga nagpaalipin at diniyos ang baril

Marami nang nasayang na buhay dahil sa baril. Marami nang karumal-dumal na pangyayari na ang naging ugat ay dahil sa baril. Halimbawa ay ang malagim na pagpatay sa Las Salle student na si Eldon Maguan dahil lamang sa away trapiko. Ang nakapatay kay Maguan ay ang businessman na si Rolito Go. Masyadong naalipin ng baril si Go kaya nang magtalo sila ni Maguan dahil sa trapiko ay binaril agad niya ito. Sumalungat sa trapiko si Go. Si Maguan ay lumabas lamang umano ng bahay para bumili ng pizza hanggang sa makasalubong ang lasing na si Go. Sa isang iglap isang buhay ang nawala dahil sa pagkaalipin sa baril.

Noong 1998, isang buntis ang nabaril ng isa ring businessman dahil din sa away sa trapiko. Nagka­gitgitan sa parking lot ng isang memorial park sa Marikina ang magkabilang panig. Agad binunot ng businessman ang kanyang baril at pinaputukan ang nakagitgitan. Ang tinamaan ay ang asawang buntis ng nakatalo. Sa isang iglap isang buhay ang nalagas dahil sa pagkaalipin sa baril. Baril din ang ginamit ni Claudio Teehankee para patayin ang dalawang estudyante sa loob ng isang sikat na subdibisyon sa Makati. Basta na lamang binaril ni Teehankee si Mau-reen Hultman at ang lalaking kaibigan nito. Sa isang iglap, dalawang buhay ang nalagas dahil sa baril.

Noong Linggo, anim katao ang namatay sa Ca­vite nang magbarilan dahil lamang sa isang sim­pleng away sa trapiko. Umano’y binusinahan ng pa­milya ni Sowaib Salie ang sasakyang jeep nina Raul Bautista na noon ay nagdidiskarga ng yelo sa pa­leng­ke ng Imus dakong 9:00 ng gabi. Kasama ni Sowaib ang isa niyang anak samantalang kasama naman ni Bautista ang dalawang anak at isang dray­ber. Nagalit si Bautista sa sunud-sunod na pagbu­sina ni Sowaib na noon ay nakasakay sa kanilang To­yota Revo. Nag­karoon ng komprontasyon ang mag­kabilang grupo hanggang sa biglang umuwi ang mga Bautista at pagbalik ng dakong 9:30 ay may mga dala ng baril. Lingid sa mga Bautista, naka­handa na rin pala sina Sowaib at nagkapu­tu­kan na. Walang patlang na putok sa magkabilang panig. Nang mahawi ang usok na dulot ng pulbura, naka­bulagta na ang anim. Naisugod naman sa os­ pi­tal ang isa pero namatay din. Sa isang iglap, anim ang nalagas dahil nagpaalipin sa baril.

Marami pang malalagim na pangyayari ang ma­ ga­ga­nap kung patuloy na magpapaalipin sa baril. Marami pang masasayang na buhay dahil lamang sa pagsamba at pag-diyos sa baril.

Show comments