NAPAKABAIT talaga ng aking kaklase, si Mr. Miguel G. Belmonte, and Presidente at CEO ng Philippine STAR at Pilipino Star NGAYON. Sa tulong niya, nakapaggraduate ang 98 na estudyante noong nakaraang May 8, 2009.
Ang kakaibang eskuwelahan ng Philippine STAR ay tumutulong sa mga taong hindi nakapagtapos ng high school dahil sa kulang sa pera, sa baon at sa panahon. Kahit ika’y edad 12 o 82, puwede kang makatapos ng high school. Mag-enroll lang sa AbakaDamayan school ng Philippine STAR.
Ang mga klase ay ginaganap bawat Sabado mula 10 a.m. hanggang 3 p.m. Mag-uumpisa ang bagong grupo ng mag-aaral sa Hunyo nitong taon.
Kakaiba talaga ang bait ni Mr. Miguel Belmonte dahil sobrang suwerte ang mga estudyanteng makapag-aaral. Una, libre na sa tuition. Pangalawa, libre pa sa mga babasahing aklat at materyal. Pangatlo, may libreng pananghalian pa ang mga estudyate. Grabe talaga! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong pag-aalaga.
At hindi lang iyan, sa graduation ceremony kung saan ako dumalo, lahat ng 98 graduates ay may libreng 8 x 10 inch framed picture nila na naka-toga. At mayroon pang regalo na P500 and bawat isa! Saan ba kayo nakarinig ng ganyan? Pero kitang-kita naman sa mukha ng mga graduates ang saya at galak na nararamdaman.
Ang napakasayang seremonya ay ginanap sa Betty Go-Belmonte Hall sa 4th Floor ng Philippine STAR Office. Si Ma’m Betty Go-Belmon-te ay ang yumaong ina ni Miguel Belmonte, na nagtaguyod sa Operation Damayan Program noong 1987.
Sobrang biyaya na ang natanggap ng mga estudyante. Pero, alam ninyo ba na pagkatapos ng graduation ay may libreng pakain pa ang mga graduates at bisita. May catered na barbeque, sotanghon, sandwiches, puto, juice at panghimagas pa!
Para sa akin, karapat-dapat lang manalo ng maraming awards ang Operation Damayan ng Philippine STAR, dahil milyun-milyon na ang kanilang nagagastos para makatulong sa mga mahihirap nitong nakalipas na 21 taon.
Ang AbakaDamayan School ay isa lang sa marami pang charity projects ng Philippine STAR. Mayroon pang charity sa pasyente, sa medical mission, sa kalamidad, at tree-planting pa.
Malaki ang paghanga ko sa bait at talino ni Mi- guel Belmonte. Hindi siya nakalimot sa turo ng aming mga guro sa Xavier School. “Tumulong sa kapwa. Nandiyan ang biyaya at saya sa buhay.”