Nangako SI House Speaker Prospero C. Nograles na walang pagbabagong gagawin sa timetable ng Kamara para sa CARP extension bill dahil tuloy itong pagdedebatihan sa plenaryo bago mag-recess ang mga mambabatas sa Junio 5.
May commitment ang kongreso para suportahan ang nasabing batas kaya lang daw dapat pa rin itong pagtalunan sa plenaryo para sa final form ng bagong CARP law.
Sabi nga, suportado todits si Prez Gloria Macapagal Arroyo!
Ang CARP extension bill under House Bill 4077 na kabilang sa komite report sa ilalim bilang 506 ay nasa interpellations sa plenary at ini-sponsoran ng Committee on Agrarian Reform and the Committee on Appropriations.
Tulad ng napagbatihan este debatihan sa plenaryo noon ang kabilang sa isasabutas este mali isasabatas pala ay ilang mga pangunahin probisyon, compulsory acquisition at distribution of covered lands.
Kailangan magkaroon ng panel ng mga mambabatas para upuan ang kanilang counterparts ng mga Senador upang maayos ang mga version nito. Reconcile their respective versions.
Hindi kasi biro ang tatalakayin ng mga bright politics kasi tungkol ito sa compulsory land acquisition and distribution.
Malaki ang pitsa todits dahil may P100 billion ang panukalang salaping i-a-allot.
Ika nga, to cover the entire period of extension. Ang dami pang paguusapan sa Kongreso kaya kailangan doble kadyot este mali kayod pala ang mga ito para ang madlang people sa Philippines my Philippines ay hindi mawalan ng gana sa mga politikong ibinoto nila. Abangan.
Gobierno inisnab ni Pacman
Kahit utos ng hari ay kayang baliin ni people’s champ Manny ‘Pacman’ Paquiao kaya walang nagawa ang pamahalaan ni Prez Gloria Macapagal Arroyo sa pangunguna ng Department of Health na ipagpaliban muna ang pagdating nito sa Philippines my Philippines dahil takot silang na baka may bitbit na sakit ang mga kabig ng ating kampeonato.
Sa awa naman ni Lord ay wala naman nagkasakit sa mga alipores ni Pacman ng lumanding ang kanilang airplane sa NAIA ang siste pa sangkatutak na mga fan ni Manny ang sumalubong todits kabilang ang mga politikong sipsip at matatakaw sa publicity.
Sabi nga, hindi natakot!
Balewala kasi sa madlang pinoy ang sakit na kumakalat sa buong mundo kahit na ito ay nakakatakot pa porke sanay ang noypi sa lahat ng uri ng sakit pati na sa bulsa.
Ayon sa ilang airport observer, trangkaso lamang ang mga sakit na dumadapo sa mga banyaga sa kani-kanilang lugar at kung ang pinoy ang magkakaroon nito lalo’t taga-province ‘SUKA’ lang ang pangtapal nila sa taong nilalagnat.
Hehehe!
Sa pagdating ni Manny ano ang ginawa ng DOH mayroon ba?
Sagot-idinaan lamang sila lahat sa scanning machine sa airport pagkatapos. Tapos na!
Naku ha. Ang kailangan sa madlang pinoy ay mag-ingat at see a doctor kung may nararamdaman masama sa katawan.
Ika nga, huwag magpatumpik-tumpik.
Para kay Manny ‘Pacman’ Paquiao, Congratulation sa ipinakita mong husay sa boxing dahil idolo ka ng madlang pinoy sa kinita mong pitsa sa aboard este mali abroad pala.