LAHAT ng mga pagdurusa ay pagsubok sa ating buhay. Kailanman, di tayo dapat mawalan ng pag-asa. Ito’y pawang paalaala sa atin ng Diyos. Sinusubukan tayo sa lahat ng bagay kung gaano kadalisay ang ating tiwala sa Kanya. Naalaala ko tuloy ang aking drama na pinamagatang “Mina sa Lusak, Ginto sa Putik” na ipinalabas naming mga taga-Varsitarian noong 1974. Sa tanang buhay ng Varsi ay minsan lamang nagpalabas ng drama. Kailanman, di ko malilimutan ang tulong na ibinigay sa amin ng publication director noong panahong yaon, si Sir Felix B. Bautista. Sa mga lusak at putik ng ating buhay ay doon natin natatagpuan ang mina o ginto ibig sabihin ang tagumpay.
Mas dakila ang ginawa ni Pedro: “Pilak at ginto wala ako subali’t ang meron ako ibibigay ko sa iyo, sa pangalan ni Jesus Kristo ng Nazaret, tumayo ka at lumakad.” Ang biyaya ng Diyos ay higit pa sa mga bagay na ating hinahanap at kinakailangan. Maging ang basta na lamang nating pagkakilala sa Diyos at hindi natin sinusunod ang Kanyang kautusan ay mga sinungaling at wala sa atin ang katotohanan. Ang mga pagsubok ay biyaya ng Panginoon na kadalasan ay hindi natin matanggap. Maging ang aking sarili ay lubusang nagpapasalamat sa Panginoon sa bawat sandali ng aking buhay. Alam Niya at ilang mga kaibigan ang nangyari sa akin. Subali’t hindi ako nawalan ng tiwala at pag-asa sa Kanya. Salamat sa awa at gantimpala ni Jesus. Kaya naman tuloy-tuloy ang aking pasasalamat sa Poon at ang aking mga alay panalangin sa mga tao at ilang kapwa ko pari.
Maging sina Cleopas at isa pang disipulo na taga-Emaus ay ganundin ang naranasan: Malungkot sila dahil sa kanilang nasaksihang pagpapakasakit at kamatayan ni Jesus. Napakalungkot nila habang pabalik na sila sa sariling bayan. Hindi nila nalalaman na kasama na nila si Jesus sa kanilang paglalakbay. Nahalata ni Jesus ang kanilang kalungkutan: “why are you troubled and why do doubts arise in your hearts?” Kung minsan sa mga pagsubok ay maraming pag-aalinlangan ang nangyayari sa atin. Ang mga alagad ay nawawalan ng pag-asa dahil hindi nila mawari ang mga sinabi ni Hesus: “these are the words that I spoke to you while I was still with you, thus it is written and thus it was necessary for Christ to suffer and to rise from the dead the third day”. Naganap na ang mga nakasulat sa batas ni Moises at aklat ng mga propeta at Salmo.
Kaya’t ang bunga sa atin ng panahong ito ng Muling Pagkabuhay ay pawang pag sisisi at bagong buhay: that repentance and remissions of sins should be preached in His name to allnations, beginning at Jerusalem”.
At tayong lahat ang mga testigo ng mga bagay na ito.
Gawa 3:13-15,17-19; Salmo 4; 1Jn2:1-5a at Lk 24:35-48