Education in the service of man

Ngayong bakasyon na, may laman pa rin ang mga silid aralan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Kung sisilipin kung sinong mga estudyante ang gumagamit ng kuwarto, magugulat kayong makita ang mga residente ng mga kapitbarangay ng PLM sa Intramuros.

Kahit walang bakod na namamagitan sa PLM at sa mga kapitbarangay, hindi pa rin malampasan ng mga taga-labas ang “wall of ignorance” na patuloy na humahadlang sa pakikipag-isa ng Pamantasan sa komunidad. Kahit papa­ano’y naaalangan pa rin ang mga hindi nakapagtapos na makihalubilo sa mga Master, Doctor at Bachelor.   Kaya’t pinasinayaan ng PLM ang isang Summer Liveli- hood Program ka-partner nitong mga barangay bilang bahagi ng misyon na maibahagi ang kaalaman at tuluyan nang wasakin ang bakod na naglalayo sa kanila. Gamit ang mga gusali at pasilidad ng PLM, kusang mag-aambag ng oras at talino ang mga Volunteer faculty at staff para magturo ng livelihood skills tulad ng massage training,     bead and jewelry crafting, at iba pa.

Ang hakbang na ito ng PLM ay pagpapatutoo sa pro-po­sisyon na may katungkulan ang edukado na gamitin ang edukasyon upang makatulong sa nakararami. Lalo na ang mga institusyon tulad ng PLM at ng mga State and Local Colleges and Universities na pinondohan ng salapi ng taong bayan. Itong nakaraang April 17 and 18 kung saan naging panauhin na Commencement Speakers ng PLM sina Pres. Joseph E. Estrada at Sen. Chiz Escudero, muling pinamuk­ha na ang edukasyong walang konsi­yensya ay edukasyong walang kaluluwa. Ano nga ba namang uri ng ambisyon ang makapag-aral upang   maiangat lamang ang sarili na hindi sinasa-alang-alang ang kapakanan ng ating kapwa nilalang?

Daan-daang libong Pinoy ang muling papalaot upang makipagsapalaran sa li­punan taglay ang dunong na natutunan sa kanilang mga paaralan. Sana’y hu­wag nilang malimutan na hindi sila makasusulong na mag-isa kung hindi ma­u-nang maisulong ang lahat. Sa pagtanggap ng diploma      ay nagbago na ang relas-yon nila sa Estado – kung dati’y sila ang kargo ng bayan, ngayon nama’y kar­go nila ang bayan.

Show comments