Betaloc: Gamot sa palpitation, puso at high blood

ALAM mo ba na sa bawat araw ay tumitibok ng 100,000 na beses ang iyong puso? Ang puso natin ay napaka­halaga at walang kapaguran. Dapat nating alagaan ang puso dahil kung masira ito ay puwedeng manganib ang ating buhay.

Ang sabi ko nga ay: Mawala na ang lahat, huwag lang ang puso. Kapag walang tibok ang puso, wala na ring buhay!

May isang mabisang gamot na napakaganda para sa puso. Personal ko itong ginagamit ng may 15 taon na. Natuklasan ko ang Betaloc (generic name ay Meto­prolol) 50 mg, na nakatulong sa aking nararam­daman na palpitation sa puso.

Betaloc para sa mga sakit na ito:

1. Para sa palpitation – Pinakakalma ng Betaloc ang malakas na pagtibok ng puso. Kung mabilis ang tibok ng puso mo (lampas sa 90 na tibok bawat minuto), baka makatulong sa iyo ang Betaloc.

2. Para sa sakit sa puso – Kapag may bara ang ugat mo sa puso, ang tawag diyan ay coronary heart disease. Isa sa gamot na ibinibigay ko ay ang Betaloc para bumagal ang tibok ng puso. Kapag napabagal natin ang tibok sa mga 55-60 na tibok bawat minuto, mas hindi mahihirapan ang iyong puso. Mababawasan din ang sakit sa dibdib o angina kung tawagin.

3. Para sa high blood – Kung medyo mataas ang iyong presyon, mga 140-150 ang systolic (unang numero) at 90-100 ang diastolic (pangalawang numero), pwede sa iyo ang gamot na Betaloc. Ang kadalasang dosis ay Betaloc 50 mg da­lawang beses sa mag­hapon.

Bumaba na ang presyo ng Betaloc:

At may good news na ngayon sa mga umiinom ng Betaloc tulad ko. Nagbibi­gay na ng 30% discount ang Astra Zeneca. Ang da­ting 50 mg tableta na P10 ay nagka­kahalaga na nga­yon ng P7 na lang.

At ang maganda sa Betaloc ng Astra Zeneca Company, ay matigas at de kalidad ang kanilang Meto­prolol. Puwede mong hatiin ang tableta nang hindi na­dudurog. Ang karaniwang dosis ng Betaloc 50 mg, _ tablet o 1 tablet na iniinom ng 2 beses sa maghapon.

Itanong sa inyong doctor kung babagay sa iyo ang Metoprolol. Good luck po!

(E-mail: drwillieong@gmail.com)

Show comments