KAILANGANG gumawa ang pamahalaan ng mas malawak pang aksyon para sa emergency employment ng mga kababayan nating nawawalan ng trabaho dahil sa global financial crisis.
Ito ang binigyang-diin ng aking panganay na anak na si Se nate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment. Pinansin ni Jinggoy ang ulat ni Labor Undersecretary Rosalinda Baldoz na mula Oktubre 2008 hanggang nitong kalagitnaan ng Marso ay umabot na sa 121,000 na manggagawa ang naapektuhan ng krisis.
Sa naturang bilang umano ay 11,574 ang tuluyan nang natanggal sa trabaho; 38,806 ang pansamantala munang na-“lay off”; 59,149 ay isinailalim sa “flexible work arrangements” o binawasan ang oras at araw ng pasok sa trabaho; at 12,000 ay mga OFW partikular sa Taiwan at United Arab Emirates na na-retrench at pinauwi na ng mga employer.
Marami na rin aniyang “electronics firms” sa ating bansa ang ginawa na lang munang kalahati ang suweldo ng kanilang mga empleyado habang nagpupumilit ang kanilang mga kompanya na malampasan ang krisis at makabawi sa negosyo. Base sa datos, pinakagrabeng nasagasaan ng krisis ang electronics sector kung saan ay halos kalahati ng mga manggagawa rito ay naapektuhan, habang sampung porsyento naman ang apektadong mga kawani sa sektor ng automotive, garments, mining, property, services, at woodworking. Average na 397 manggagawang Pinoy umano ang nawawa-lan ng trabaho kada araw dahil sa krisis.
Noon pa mang kasisimula pa ng krisis ay isinulong na ni Jinggoy ang mga hakbangin bilang pagtugon ng ating bansa dito, at kamakailan nga ay idinaos ang isa rin niyang mungkahi na “multi-sectoral conference on emergency employment” at sinegundahan din ito ng Malacañang.
Pero ayon kay Jinggoy, kailangang ipatupad na agad ng pamahalaan ang mga pinag- kasunduan sa naturang mga pagtitipon, at tuloy-tuloy isagawa ang konsultasyon ng gobyerno, mga negosyante, mga manggagawa at labor ins titutions upang regular na makapagbalangkas ng mga hakbanging pang-ayuda sa mga naaapektuhang manggagawa.