(Huling Bahagi)
NAIS linawin ng BITAG, ang KUYA na aming tinutukoy ay hindi ‘yung “Kuya” na tinatawag nila sa Big Brother. Ang KUYA na sinasabi namin ay ang kaibigan kong si Mr. Daniel Razon.
Gaya nga ng naisulat ko sa espasyong ito, sa unang bahagi ng kolum na ito, hindi na nagparamdam pa ang mga FX drivers na nagrereklamo.
Hindi sila sumasagot sa aming mga text at tawag. Walang anumang uri ng pagpaparamdam ang ipinahatid nila sa BITAG.
Sa puntong ito, alam na namin, wala nang interes ang mga FX drivers sa Blumentritt na ituloy ang kanilang reklamo laban sa abusadong pulis Maynila.
Ang punto ng BITAG, naglalaan kami ng panahon at oras upang pakinggan at aksiyunan sa abot ng aming makakaya ang mga reklamo’t sumbong na natatanggap ng BITAG.
Bawat pagtulong, bawat aksiyon at bawat panahong inilalaan namin ay sa ngalan ng serbisyo publiko. Walang kapalit, walang bayad.
Naiintindihan namin na may mga pagkakataong kapag nag-uumpisa nang magtrabaho ang aming grupo, may ilang nababahag na ang buntot at umaayaw na.
Sa madaling salita, umaatras na at ayaw nang ituloy ang kanilang reklamo o sumbong. Hindi na ito kayang solusyunan pa ng BITAG, hindi namin kontrolado ang pag-iisip ng kahit sinong tao.
Ganunpaman, ang hiling namin ay konting kurtisiya (courtesy). Sabihan o ipaa-lam sa BITAG na “ayaw na” at hindi ‘yung all set na ang lahat, saka mawawala nang parang bula at hindi na magpaparamdam.
Hindi kami nakikipagbiruan kahit kanino at lalung-lalo na hindi isang laro ang ginagawa ng BITAG.
Sayang ang panahon at oras na inilaan sa mga taong hindi talaga determinado sa kanilang desisyon. May mga nangangailangan rin ng aming tulong at kailangan rin ng agarang aksiyon.
Lagi naming paalala ng BITAG, nasa kooperasyon ng nagsusumbong at nagrereklamo ang isang susi para sa ikatatagumpay ng aming trabaho.
Nais magpasalamat ng BITAG sa programang Good Morning Kuya (Aksiyon ni Kuya segment) sa paglapit sa amin ng sumbong na ito.
Interesado at nakakasa na sana ang patibong para sa inirereklamong pulis May- nila subalit ang mga nagrereklamo na mismo ang hin- di nakipagkooperasyon sa aming mga itinakdang panahon ng trabaho.