MARAMING naiisip na panukalang batas ang mga mambabatas pero walang makapagpanukala ng batas na magbabawal sa mga may kaso na tumakbo sa election. Kung anu-anong batas na ang ilan naman ay walang katuturan ang kanilang sinusulong at pinag-aaksayahan lamang na pana-hon. Nakakaligtaan nila ang mahahalaga at maili-ligtas ang bansa at taumbayan mismo sa mga taong pumapasok sa pulitika kahit may mga kasong na-kasampa. Kaya naman, marami ngayon ang tinatawag na “representa-thieves” “tonggressman” at “sena-tong”.
Nakakatakot kung ang isang dating naakusahan ng katiwalian at isinalang na sa imbestigasyon ng Senado ay makakapiling at magiging kapwa kamambabatas. Kakahiya kung ganyan ang kalalabasan sa hinaharap.
Hindi malayo na ganito ang maging senaryo sa hinaharap kapag hindi nakagawa ng batas na mag-babawal sa pagtakbo ng sinumang may nakasampang kaso. Maraming mauupo na may dungis at ano ang kanilang gagawin para mapaniwala ang taum-bayan na tapat sila sa sinumpaan.
Isang magandang halimbawa rito ay ang pagtakbo umano ni dating Agriculture undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante. Umano’y balak tumakbong kongresista ni Jocjoc sa kanilang bayan sa Dao, Capiz. Mayroon din namang report na governor ang tatakbuhan ni Jocjoc. Hindi pa umano kumpirmado kung ano ang tatakbuhan ng dating Agriculture Usec. pero ang sigurado, tatakbo siya sa public office sa 2010 elections. Si Jocjoc na tinaguriang arkitekto ng P728-million fertilizer fund scam ay matagal na nagtago sa United States bago napabalik dito sa bansa. Kung hindi na-reject ang kanyang visa application, malamang na pakuya-kuyakoy na siya sa US.
Sumikat na si Bolante at malamang na ito ang maging behikulo niya para makapasok sa pulitika. Gagamitin niya ang eskandalong pinasukan para makinabang. Kung makapasok sa pulitika si Bolante, hindi siya ang unang nakagawa nito kundi marami na.
Kung talagang seryoso ang mga mambabatas, dapat ang batas na magbabawal sa mga maykaso na tumakbo sa election ang kanilang iakda. Hindi dapat makaupo ang mga may dungis. Paano sila magiging halimbawa?