(Part 2)
MORAL recovery daw sabi ni President Arroyo? Joskopo. Ano ang ginagawa ng mahal nating Presidente ukol sa mga lumabas nang tala na may 30 porsiyento sa kabuuang budget ng gobyerno ang napupunta sa bulsa ng mga nakaupo sa puwesto? Dalawampung porsiyento lang ang tala ng PAGCC, ahensiya mismo ni GMA na sumusubaybay ng pangungurakot sa bansa, ng nakukurakot sa national budget. Pero pinasobrahan ko na sa 30 porsiyento dahil pihadong konserbatibo pa ang tala ng PAGCC.
Paalala lang po na pera natin ang binubulsa nila. Ito yung wala tayong kalaban-laban na binabayarang buwis kada suweldo. Napakasakit isipin.
Ano ang ginagawa ni GMA ukol sa talamak na smuggling sa iba’t ibang bahagi ng bansa na pumapatay sa mga industriya? Ano ang ginagawa ni GMA ukol sa sobrang pagpatong sa presyo ng mga binibiling materyales at proyekto sa iba’t ibang sangay ng kaniyang pamahalaan para may maibulsa pa rin ang mga ito? Eh yung mga tiwaling pulis na panay pa rin ang kotong?
Yung mga kontratistang na-ban ng World Bank mis mo? Eh yung ayaw ni Sec. Romy Neri magsalita ng katotohanan ukol sa ZTE-NBN Scandal? At yung mga pinapunta kay Junior Dee sa Amerika para itikom ang bibig sa pagsasalita ukol sa “Hello Garci” at dayaan noong eleksiyon? Yung mga saksi sa mga anomalya ng Malacañang na biglang nagbabaliktaran dahil tina-kot o sinuhulan? Moral recovery? Dapat magsimula ito kay President Arroyo.
Natatawa na lang ang mamamayang Pilipino sa mga pahayag ni Arroyo. Umiiling, nalulungkot, nadedesperado. At kung sa ngayon ay na tatawa pa ang ilan, darating ang panahon na wala nang makakangiti.
Kung magpapatuloy ang korupsyon sa Pilipinas sa gitna ng pandaigdigang krisis na ito, hindi na malalaman kung saan pupulutin ang ma rami sa ating mga kababayang nawalan na nga ng trabaho sa abroad o dito sa mga pabrika, naloko na sa mga educational plans at ni hin di pa makapangutang sa banko.
Sa gitna ng matinding krisis sa bayan, ang mga ganitong pahayag ay hindi napapanahon, at hindi rin nararapat. Hindi nararapat na manggaling sa isang Pangulo na hindi na pinagkakatiwalaan at nawalan na ng mandato ng bayan. Magtataka pa ba ang ating Presidente kung bakit ayaw siyang harapin at kausapin ni US President Barack Oba ma na ang pangunahing pakay ay tapusin ang pangungurakot ng mga bansa sa buong daigdig?