Drug test di dapat katakutan

SISIMULAN na ang random o “sorpresang” drug test sa mga estudyante. Bilang isang magulang welcome sa akin iyan.

Kung may dapat matakot, ito ay yung mga mag-aaral na gumagamit ng bawal na gamot. Pero in the final analysis, ito ay para sa kabutihan din nila para habang maaga’y mahango sa bisyong ito. Ang drug testing ay isa lamang maliit na aspeto ng laban sa talamak na paglaganap ng droga. If I may suggest, the campaign against drugs must be conducted holistically.

Dahil sa droga, sari-saring buktot na krimen ang sumu­sulpot: Sariling ina o kapatid ay ginagahasa at pinapatay. Kung minsan, pati matatandang lola ay hindi na binibig­yang pitagan at nagiging biktima na rin ng rape.

Nawawala sa katinuan ang isip ng isang sugapa kaya yung mga krimen na hindi nangyayari noon ay pangkara­niwan nang nagaganap ngayon. Magandang simula ang random drug testing sa lahat ng mga estudyante sa isang determinadong kampanya laban sa salot na ito.

Kaya lang, may mga magulang na tumututol dito. Pati ang Commission on Human Rights ay tumututol dahil baka raw malabag ang karapatan ng mga kabataan. Na­nga­ngam­ba ang mga magulang na baka kung masilip na suga­pa sa droga ang kanilang anak ay masira ang kara­ngalan ng kanilang pamilya. Ang masasabi ko naman, ang pagsa­sawalang-kibo sa isang problema ay hindi lulutas kundi lalung magpapasahol dito.

Kung hindi pa sumulpot ang isyu sa away ng Philippine Drug Enforcement Agen­cy at Department of Justice hinggil sa umano’y bribery attempt sa mga piskal para palayain ang tatlong “drug pushers” ay hindi pa siguro kikilos ang pamahalaan. Pero wika nga, better late than never.

Wish ko lang ay magtu­ luy-tuloy ang operasyong ito para tuluyan nang ma­sugpo ang problema ng bansa sa droga. Ngunit in fairness sa Human Rights commission, dapat nitong isagawa sa paraang hin­di aabuso sa karapatan ng isang kabataan.

Nakapanlulumo na nangunguna na pala ang Pilipinas sa Southeast Asia sa mga bansang ti­ natawag na pugad ng droga. Kay samang repu­tasyon nito. Sana, huwag ningas-cogon ang pla­nong ito ng gobyerno na giyerahin nang todo-todo ang droga.

Show comments