Kotongan sa RORO, yari kayo!

“LAGAY muna bago SAKAY”, eto ngayon ang umiiral na estilo ng mga shipping lines ng RORO mula Allen Samar papuntang Matnog, Sorsogon.

Hindi ba’t RORO ‘yung dating ipinagmamalaki ni Pa­ngu­long Gloria Macapagal Arroyo na isa sa kanyang mga proyekto sa transportasyon

Isang sumbong ang ipinarating sa BITAG sa pama­magitan ng aming textline hinggil umano sa pamimili at pangongotong ng mga tauhan ng RORO sa nabanggit na destinasyon.

Ayon sa nagsumbong, namimili raw ng mga ika-    kar­gang sasakyan yung mga shipping lines ng RORO mula Matnog Sorsogon papuntang Allen Samar at vice versa.

Mas pinapaburan ng mga tinamaan ng lintik na shipping lines ‘yung mga bus dahil mas malaki raw ang tina­tanggap na bayad ng mga ito kesa sa mga trucking ng prutas at gulay o yung mga perishable products.

Kung wala kang isang libong piso, yaring yari ka!     Hindi daw maisasakay yung mga sasakyang may kar-gang perishable products.

Kahapon ng umaga sa BITAG Live ay pinaunlakan kami ni Department of Transportation and Communication Undersecretary Len Bautista na siya ay mai-phone patch interview tungkol sa reklamong ito.

Ikinagulat rin ito ni USEC. Bautista at sinabing hindi tama at iligal ang ginagawang ito ng mga tauhan sa RORO.

Dapat nga raw ay inuuna ng mga kolokoy ang mga sasakyang may kargang perishable products dahil ito ay nasisira.

Proyekto raw ito ng Pa­ngulo kung kaya’t hindi dapat umiiral ang ganitong sistema ng pangongotong at pamimili ng mga pasa­hero.

Dagdag pa ni Usec. Bau­­tista, personal niya raw si­silipin at iimbestigahan    ang sumbong na ito na ipi­narating ng BITAG.

Nangako rin si Usec. Bautista na ipapaalam    niya sa BITAG ang aksiyon na kanilang ginawa at re­sulta ng kanilang imbes­tigasyon sa sumbong na ito.

Babala naman namin   sa mga kawani ng RORO shipping lines sa Matnog Sorsogon at Allen Samar, wag kayong pahuhuli sa BITAG.

Kapag kami ang sumilip sa inyo, mapupulbos kayo sa kahihiyan kayong mga putok sa buhong mango­ngo­tong diyan sa RORO kapag hindi niyo tinuldu- kan ang inyong mga kaga­gu­­han!

Show comments