PEDICULOSIS capitis ang medikal na termino sa kuto o head lice. Ang kuto ay napakaliit na insekto at kulay brown. May mga matutulis na kamay ang kuto (parang ipis). Kumakapit ito sa ating buhok.
Ang mga nakikita nating puti-puti na dumidikit sa buhok ay mga itlog ng kuto, o tinatawag na nits o lice eggs. Dahil sa kuto, madalas kumakati ang buhok at ulo ng pasyente. Parang may balakubak sila. May mga tagihawat din sa ulo, leeg at balikat.
Sobrang mabilis makahawa ang kuto. Kapag madikit ang ulo mo sa isang taong may kuto, puwede kaagad lumipat ang kuto sa iyo.
Ang mga gamit na madalas dapuan ng kuto ay ang mga unan, baro, sumbrero at stuffed toys. Banlian ito maigi nang kumukulong tubig at ibilad sa matinding araw. Ma-hirap patayin ang mga kuto, pero heto ang mga paraan.
1. Magpaikli ng buhok — magpagupit ng manipis o i-layered ang buhok para walang makapitan ang kuto.
2. Gumamit ng suyod para matanggal ang mga itlog at kuto sa buhok.
3. Bumili ng Kwell Shampoo, generic ay Permethrin 10 mg. Basain nang maraming tubig ang buhok, tapos ay hayaan ang Kwell shampoo sa buhok ng 10 minuto bago banlawan. Ingatan huwag pumunta sa mata. Ulitin ito pagkaraan ng isang linggo kapag hindi pa nau-bos ang kuto.
Huwag pong pasaway. Gamutin ang kuto at huwag mang-hawa ng iba.
Galis o scabies:
Ang galis o scabies ay galing sa maliit na hayop na kung tawagin ay Sarcoptes scabei. Tumitira ang galis sa katawan ng tao at sa hayop tulad ng aso at pusa. Kapag nasa tao, puwedeng mabuhay ng isang buwan ang scabies. Kapag wala na sa katawan ng tao, nabubuhay pa ito ng hanggang dalawang araw.
Dahil nga may mga pamilya na siksikan sa bahay at tabi-tabi kung matulog, mabilis makahawa ang galis. Mag-ingat ka sa paggamit ng tuwalya, unan, bedsheet at panyo ng isang taong may galis, at baka mahawa ka!
Ang galis ay kumakapit sa mga kamay, pulsuhan (wrist), paa, siko at suso. Parang maliliit na tagihawat na may linya ang hitsura nito. Nagtatago ang parasitikong ito sa lugar ng mga skin-folds o sa pagitan ng mga daliri ng kamay at paa. Makating-makati ang galis at lalo itong makati sa gabi. Minsan ay nagsusugat ang balat dahil sa kakakamot.
Paano gagamutin ito? Bumili ng Kwell Lotion, ang generic name nito ay Permethrin 50 mg lotion. Sundin maigi ang direksyon ng paggamit nito. Maligo muna, pagkata pos ay ipahid ang Kwell Lotion sa buong katawan, mula leeg hanggang paa. Hayaan ang lotion sa katawan ng walong oras at pagkatapos ay maligo ulit. Kapag hindi naubos ang galis, ipahid ulit ng isang beses pa. Tandaan: Sundin maigi ang direksyon sa paggamit ng Kwell shampoo at Kwell lotion, da hil may side effect ito kapag nasobrahan ang gamit.
Lahat ng may galis sa ba hay ay dapat gamutin. Dahil kung hindi, ay magkakahawahan nang paulit-ulit. Iwas galis. Iwas kuto. Panatilihing malinis ang katawan.
* * *
(E-mail: drwillieong@gmail.com)