KAWAWA naman si President Gloria Macapagal-Arroyo, itinanghal ang sarili bilang anti-narcotics chief upang sagipin ang reputasyon ng justice system ng bansa. Hindi nakontento si GMA na pagbakasyunin na lamang ang limang prosecutors ng Department of Justice kaya ang kanyang sarili na mismo ang isinakripisyo upang matigil na ang pamamayag-pag ng mga drug traffickers, he-he-he! Indikasyon ito na hindi kontento si GMA sa ipinakitang trabaho ng kanyang mga pinagkakatiwalaang opisyal para mapatigil ang illegal drugs.
Kaya kahit na halos hindi magkandaugaga si GMA sa paglalabay sa iba’t ibang bansa upang makakita ng pagta-trabahuhan ng overseas Filipino workers (OFW) ay pinasan pa niya ang pagsawata sa droga. Ganyan kasipag si GMA sa tawag ng pangangailangan ng ating mga naghihikahos na kababayan, he-he-he! Kulang na nga sa pagkain ang ilan nating mga kababayan, kulang pa ang hustisya na ipinaiiral. Di ba mga suki?
May krisis na ngang hinaharap ang bansa e lalo pang nadagdagan dahil sa suhulan sa ating justice system. At dahil napagtanto ni GMA na habang patuloy sa pagtatampong purorot ang DOJ prosecutors, nalalagay sa hindi magandang imahe ang kanyang administrasyon. Get n’yo mga suki? He-he-he!
Pasalamat na lamang tayo’t nagkaroon ng ingay sa media ang tangkang pagpapalaya sa “Alabang Boys” na sina Richard Brodett, Jorge Joseph at Joseph Tecson mula sa kostudiya ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA). Ito ang naging daan upang magulo ang DOJ na naging giya kay GMA na akuin ang pagsawata sa drug traffickers. Maraming umaasa na matutuldukan na ang pamamayagpag ng drug traffickers. Hala mga suki, palakpakan natin si GMA at magdasal tayo na sana ay hindi rin siya madadala sa kinang ng salapi.
Kung humanga ang sambayanan sa pagiging drugs czar ni GMA, marami naman sa kapulisan at negosyante ang natulala sa ipinakitang galing ni MPD Director Chief Supt. Roberto “Boysie” Rosales.
Noong nagdaang Martes, isinilebra ang ika-108 aniber- saryo ng MPD kaya halos lahat ng kapulisan sa buong district ng Metro Manila ay nagsidatingan upang saksihan ang mala-king ipinagbago ng naturang headquarters. Dito nila nasilayan ang modernong teknolohiya na ipinadisenyo ni Rosales.
Nagulat ang lahat ng inanyayahan sila na makapasok sa District Tactical Operation Center (DTOC) ward room kung saan makikita ang lahat ng galaw ng Mobile Patrol vehicles na kinabitan ng Global Positioning System (GPS) at Closed-circuit Television (CCTV). Ika nga’y walang lusot ang kapulisan habang nagpapatrulya sa lahat ng sulok ng Maynila.
Bagamat maraming nagawa ang mga nagdaang director ng MPD ay hindi nila napagtuunan ang pagmodernized nito kaya ang lahat ay namangha sa malaking pagbabago ng Manila’s Finest. At higit sa lahat mga suki! Hindi lahat ng gas tusin ay kinuha ni Rosales sa kaban ng Bayan. Magaling lang talaga si Rosales sa PR-PR kayat nagkaroon ang MPD ng mga maka-bagong teknolohiya.
Maging si dating PNP chief at dating MPD director Gen. Avelino Razon ay namangha sa mga pagbabago na ayon sa kanya ay malaking tulong upang mahadlangan ang mga criminal. Ayos ba sir Razon, sayang at natapos na ang inyong termino sa PNP subalit hindi pa ito huli kung sa darating na panahon at maging isang ganap ka nang mambabatas ay palawakin mo na lamang ito. Get mo Sir!
Tulala rin sina dating director Proceso Almando, Virtus Gil at Nicolas Pasinos sa kanilang nasilayan at sa kakayahan ng Special Weapon and Tactics (SWAT) sa paggawa ng maka-bagong armas. Kaya sa ngayon ay nakatuon kay Boysie ang pagbabago sa PNP. Abangan!