SA January 20 ay manunumpa na si Barack Obama bi-lang President ng United States of America. Ang problema lamang, nagkakaproblema si Omaba kung paano mabubuo ang kanyang Gabinete. Kapansin-pansin na mahinahon at dahan-dahan ang kanyang pagpili sa mga taong makakatulong niya para patakbuhin ang makapangyarihang bansa sa mundo.
Sa paniwala ko, kaya nahihirapang buuin ni Obama ang Gabinete ay sapagkat naiisip niya ang maraming pinagkakautangan ng loob. Siyempre, maaaring may umaasa na dahil tinulungan nilang mailuklok ang Presidente kailangang may kapalit iyon — isang posisyon sa Gabinete halimbawa, para bayad sa utang na loob.
Sigurado ako, marami sa sumuporta kay Obama ay mga maiimpluwensiya at makapangyarihan at naghahangad sila ng kapalit sa kanilang naging tulong. Sigurado akong ang ilan sa kanila ay nangangati ang katawan na humawak ng malaking posisyon sa administrasyon ni Obama.
Sa ngayon, wala pa akong napapansin na garapalang appointment. Ang naririnig ko lang may mga tauhan si dating President Bill Clinton na nabigyan na ng posisyon sa bagong administrasyon. Malakas naman ang balitang itatalaga ni Obama si Sen. Hillary Clinton bilang Secretary of State.
Wala namang masama kung ipuwesto ni Obama si Hillary. Qualified ang babaing ito at makakatulong sa bansa.
Iniurong naman ni Obama ang appointment ni New Mexico Gov. Richardson bilang Secretary of Commerce. May kaso si Richardson na dapat munang linisin. Isa si Richard- son sa tumulong kay Obama.
Maingat at matalino si Obama sa pagpili ng mga tauhan. Ganito sana ang pagpiling gawin ng susunod na Presidente ng Pilipinas 2010. Hindi yung garapalan ang pagpili sa mga opisyal na hahawak ng posisyon. Hin di ‘yung kaya pinili ay dahil malapit sa kanya o kaya ay nirekomenda ng kanyang kaibigan at mga kaututang-dila. Kahit hindi kuwalipikado at walang alam sa trabaho ay nakakapasok dahil sa pakiu-sap.
Hindi sana ganito ang maganap sa susunod na administrasyon.