Aginaldong natanggap ng BITAG ngayong Pasko!

ISANG magandang regalo ngayong Pasko para sa BITAG ang mga pasasalamat ng mga taong aming natulungan.

Nagagalak ang buong staffs and crew at maging ang inyong lingkod sa mga bati ng maligayang pasko at pasasalamat na aming natanggap sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono, text messages at emails.

Hindi lamang mula sa Metro Manila ang mga pagbating ito kundi sa mga probinsya ng ating bansa na nabisita na ng BITAG at maging sa iba’t ibang bansa sa mundo na abot ng aming programa.

May mga nagpadala rin ng kanilang mga regalo sa aming tanggapan mula sa complainants na aming natu­lungan subalit katulad ng aming sinasabi, may mga taong mas nangangailangan nito.

Marinig lamang ng BITAG mula mismo sa inyo na     ang inyong reklamo ay aming naaksiyunan, sumbong      na natugunan at problemang naresolbahan, ito na ang pinakamahal na regalong aming tatanggapin para sa okasyong ito.

Maluwag sa aming kalooban na malaman na may resulta ang aming mga tinatrabaho at sa ngalan ng ser­bisyo publiko, ginagawa namin ang lahat ng ito ng LIBRE at walang anumang bayad.

Nang dahil sa inyo ring mga lumalapit, nanonood at sumusuporta sa BITAG, nakamit na namin ang mag­bibigay inspirasyon para sa taong 2009 na palawakin at pag-igihin ang aming programa.

Sa nagdaang 22nd PMPC Star Awards nitong Nob­yembre 2008 ay nakamit ng BITAG ang Best in Public Service Program at ng in­yong lingkod bilang Best in Public Service Host.

Malalaki at magagan­dang aginaldong tunay na ipinagmamalaki at pina­hahalagahan ng BITAG.

Regalo na rin namin sa mga kolokoy na aming na BITAG na matuldukan ang kanilang kalokohan at magsimula ng bagong bu­hay.

Sa ngalan ng BITAG Team, Maligayang pasko sa lahat at salamat sa tuloy-tuloy na pagsubaybay sa amin!

Show comments