YUYURAKAN ng isinusulong na “English bill” ang wikang sarili at magiging masahol pa tayo sa hayop at malansang isda. Ganito ang nasasaisip ni Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo kaya ma-tindi ang hangarin niyang labanan ang “English Bill” ni Cebu Rep. Eduardo Gullas. Kami ay kaisa ni Gunigundo sa pakikipaglaban niya na huwag yurakan ang wikang sarili.
Sa bill ni Gullas, ipagagamit ang English bilang medium of instruction sa elementary schools sa halip na ang paggamit ng Filipino. Ayon sa bill kapag nahasa sa English ang mga Pilipino, madaling ma kakukuha ng trabaho hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa. Binanggit ni Gullas na sa mga call center ay mahalaga ang karunungan sa English. Kung magiging mahusay sa English ang mga Pinoy magiging competitive sa job markets sa ibang bansa.
Pero ayon kay Gunigundo, hindi kinakailangang English ang medium of instructions sapagkat mas madaling matuto ang mga bata kapag sariling wika gagamitin. Magpapakita raw nang maraming pag-aaral si Gunigundo para malaman nang lahat na tama ang kanyang stand na labanan ang “English Bill”. Kailangang matuto muna sa basics ang mga Pilipinong estudyante at mangyayari lamang ang ganito kung ituturo sa native language. Sa pamamagitan ng matibay na pundasyon sa edukasyon na itinuro sa Filipino languages, matututo sila ng iba pang kaalaman at siyempre ng iba pang wika.
Sabing mariin ni Gunigundo, ayaw niyang ang mga Pilipino ay humantong lamang sa mga call center. Napakalapit aniya ng tingin kung ganito lamang ninanais kaya dapat mag-aral ng English. Kailangan daw ang mga Pinoy ay makilala bilang highly skilled workers na ipakikita ang husay.
Maganda ang punto ni Gunigundo kaya maigting ang pagtutol niya sa “English Bill”. Hindi dapat English ang maging basehan para makilala ang mga Pinoy. Hindi na kailangang palitan ang medium of instructions sapagkat mas madaling makaintindi rito ang mga estudyante. Kung sariling wika ang gaga mitin, mas madaling makukuha ang ituturo ng guro.
Sang-ayon kami sa ipinaglalaban ni Gunigundo. Kontra kami sa pagyurak sa wikang Filipino at hindi dapat palitan bilang medium of instructions sa paa ralan. Oo nga at kailangan ang English para makipagtalastasan sa mga dayuhan pero ang palitan ang Filipino bilang gamit sa pagtuturo ay hindi na makatwiran. Maaaring mahusay sa English ang mga Pinoy na hindi isasakripisyo ang wikang Filipino.