KAHAPON ng gabi, nilibot ko ang halos lahat ng terminal ng bus sa Metro Manila upang makita kung gaano karaming pasahero ang nag-aabang ng kanilang masasakyan patungong probinsya. Subalit halos pare-pareho lang ang lahat ng terminal na kakaunti ang mga pasahero, dala marahil sa krisis na dinadanas ng bansa.
Sa hirap ba naman ng buhay sa ngayon kaya ang karamihan sa mga kababayan natin ay kuntento na lamang na manatili sa kanilang mga tahanan upang makapiling ang kanilang pamilya.
Sa kabila nang mahabang holiday wa-epek sa mga mahihirap na kababayan, dala rin marahil sa halos lahat ng bilihin ay ginto ang halaga kahit na bumaba na ang gasolina at pamasahe.
Mas minabuti pa ng ating mahihirap na kababayan na ibili na lamang ng pagkain na mapagsaluhan sa hapag kesa sa gumastos sa pagbabakasyon sa kanilang mga probinsya.
Subalit hindi lahat ng Pinoy ay nakadarama ng pag-hihirap sa buhay, dahil karamihan sa mga opisyales at kawani ng pamahalaan ay todo ang luho sa pagbabakasyon. Karamihan sa kanila ay dala ang kanilang buong pamilya sa abroad o mamahaling bakasyunan, he-he-he! Sila yaong walang pakundangan gumastos ng limpak-lipak na salapi dahil kaya naman nilang kitain ito sa mga illegal na transaksyon pagpasok nila sa Enero.
Sa ngayon todo ang higpit ng sinturon ng mga kababayang “isang kahig isang tuka” dahil wala silang kikitain sa siyam na araw na bakasyon na pamaskong handog ni GMA. He-he-he! Mukhang nakaligtaan ni GMA na karamihan sa mga trabaha- dor sa ngayon ay mga casual employees lamang at oras na walang pasok tiyak na wala ring sahod. Di ba mga suki?
Samantala ang nasa pamahalaan ay okey lang sila sa buhay nila dahil kahit na wala silang pasok ay tuloy ang metro ng kanilang kinikita at buo ang kanilang sahod na tatang gapin. Wala rin silang alalahanin sa gastos sa gasoline kahit na saan man sila magtungo.
Samantala ang mga isang kahig isang tuka ay umaasa na lamang sa milagro o awa ng Maykapal. Hindi nga sila mamamatay sa high blood subalit mamamatay naman sila sa gutom dahil sa kakulangan ng pagkain na maisusubo sa kumakalam nilang sikmura. Get mo Madam President?
And speaking of vacation, nakatawag pansin sa akin ang reklamo ng isang German national na si Marvin Luig na nanggagalaiti sa galit ng aking makausap sa compound ng Central Mail Exchange Center (CMEC) PhilPost, Pasay City.
Ayon kay Luig labis ang kanyang pagkadismaya sa mga kawani ng naturang ahensya matapos di niya natanggap ang mahala-gang padala ng kanyang ina mula sa Frankfurt, Germany na gagamitin niya sa Noche Buena. He-he-he! Ang masakit nito ayon kay Luig, pinagturo-turuan pa siya na ang kanyang package ay nasa Quezon City office na umano.
At dahil sa nag-Christmas party umano ang mga kawani ng naturang ahensya ay hindi naideliber ang kanyang package sa kanyang tinutuluyang condo sa Pasig City. Kung kaya umuusok ang ilong na sumugod si Luig sa tanggapan ng CMEC sa Pasay City upang kunin. He-he-he! Pagdating doon ay sinabihan umano siya na sa Lunes na lamang niya ito makukuha at oras umano na abutin pa ito ng Holiday ay sa 2009 na niya ito makukuha.
Aba PhilPost director Oscar Lazo, pakiimbestigahan nga itong reklamo ni Luig at baka marami pa sa ating mga kababayan ang may ganito ring reklamo sa inyong mga tauhan. Sa yang naman ang kawika- an na nakasulat sa lahat ng sulok ng inyong tanggapan na “We Take Pride on the Honesty and Courtesy of our Personnel”. Hindi yata akma sa kanilang pag-uugali.
Kilos Dir. Lazo at baka marami pa akong maburiki sa inyong tanggapan.
Abangan!