NAGPAPASALAMAT kami sa lahat ng bumati, sumuporta at tuloy-tuloy na sumusubaybay sa programang BITAG, BITAG Live at maging sa aming mga kolum.
Pinarangalan ang programang BITAG bilang Best Public Service Program at Best Public Service Program Host ng PMPC Star Awards na ginanap lamang nitong Linggo.
Hindi kaila sa sinuman na ang serbisyo publiko ng BITAG at kung paano kami tumugon sa mga nagrereklamo at humihingi ng tulong sa amin.
Malaki, maliit, maipalabas man o hindi basta’t inilapit sa BITAG action center wala kaming pinipili. Sa abot ng aming makakaya, tinutugunan ng BITAG ang mga sumbong at reklamo.
Maaaring may mga reklamong hindi namin puwedeng hawakan katulad ng mga kasong nasa korte na, problema sa lupa, paghingi ng donasyon at problema sa trabaho.
Subalit hindi uuwi ang isang complainant ng hindi malinaw sa kanya ang mga dapat gawin at mga payong makakatulong naman sa kanilang inilapit.
Bilang parte ng pagpapalawak, pagsasaayos at pagpapatibay ng serbisyo publiko ng BITAG narito ang ilang pamantayan at babala na rin para sa mga lumalapit sa amin.
Una, Ipinagbabawal ng BITAG ang pagtawag ng aming mga staff sa nagrereklamo at pag-uusap ng mga ito kung hindi na oras ng trabaho.
Ikalawa, walang sinuman sa mga empleyado o imbestigador ng BITAG ang nakikipagkita sa mga complainant sa labas o malayo sa aming opisina. Bawat transaksiyon ay sa BITAG action center lamang.
Ikatlo, hindi maaaring tumawag ang mga BITAG staff sa bahay o personal na numero ng complainant kung hindi tungkol sa traba-ho o sa kasong inilala-pit sa amin.
At Ikaapat, walang sinuman sa mga empleyado at imbestigador ng BITAG ang nakikipag-kaibigan at nakikipagligawan sa mga nagrereklamong lumalapit sa amin at maging sa mga kamag-anak nito.
Inuulit namin, ang BITAG action center ay bukas para sa lahat ng humihingi ng tulong. Bukal sa aming kalooban ang pagsagot sa mga sumbong, tip at problemang inilalapit sa aming tanggapan.
HINDI kami nanghihingi ng BAYAD o anumang KAPALIT. LIBRE ang aming serbisyo sa mga nangangailangan.
Ang sinumang tauhan ng BITAG na lumabag sa alinmang pamantayang nasa itaas, ipagbigay-alam agad sa akin mismo.
Dito, harap-harapan namin siyang ilalantad sa telebisyon at isusuka namin siya dahil sa maling gawain.
* * *
ANUNSIYO: Nais naming ipabatid na si JED PE BENITO ay hindi na konektado sa BITAG at anumang transaksiyon na may kinalaman sa kanya simula ngayon ay hindi na otorisado ng aming tanggapan. Mangyaring makipag-ugnayan agad sa BITAG.