SA kauna-unahang pagkakataon, isang modelo ang naglakas-loob na magsumbong sa BITAG dahil sa palpak na retokeng ginawa sa kaniyang katawan ng isang bogus na cosmetic surgeon.
Isang sexy image model sa isang kilalang men’s magazine si Mau. Sa larangan ng industriyang kinabibilangan, magandang katawan ang puhunan.
Malalaking boobs, matambok na puwitan, balingkini tang katawan at kaakit-akit na mukha ang kuwalipikasyon upang maging isang sexy image model.
Kaya naman isang espesyalista daw na rekomendado ng mga kaibigan at kakilala ang kanyang pinuntahan, ang Beauty Center Salon ni Emmy Eugenio-Torres, aka Doc. Emmie.
Sa murang halaga nakamit ni Mau ang katawang pagpapantasyahan ng mga kalalakihan. Subalit panandalian lamang pala ito dahil pagkalipas ng ilang buwan, halos ikamatay ni Mau ang naging resulta.
Anim na buwang naratay si Mau dahil namaga at nagbukol-bukol ang dibdib at puwitang ginawa ni Doc.Emmie.
Humingi daw siya ng tulong kay Doc.Emmie subalit sinabihan siya nitong natural lamang daw iyon.
Sa paglapit ni Mau sa BITAG, pinatingnan namin siya sa isang tunay at lisensiyadong plastic surgeon, si Dr. Jim Sanchez.
Ayon kay Dr. Sanchez, hindi gawain ng isang tunay na espesyalista ang prosesong ginawa kay Mau. Ang kemikal na ginamit raw kay Mau upang lumaki ang dibdib at puwitan nito ay ipinagbabawal na raw ng BFAD na tinatawag na liquid foreign body material.
Agad na kumilos ang BITAG at mga opera-tiba ng District Intelligence Investigation Division-Southern Police District, ikinasa ang isang entrapment operation laban sa pekeng espesyalista na si Eugenio.
Tanging si Mau pa lamang ang naglakas-loob na lumantad at magreklamo dahil sa nang-yari sa kanya. Marami pa raw siyang mga kasamahang modelo na tahimik na nagdurusa at sina- sarili lamang ang sakit ng katawan na nararanasan.
Alam ito ng BITAG, dahil sa kahihiyan ay minabuti nilang manahimik.
Subalit kung walang magrereklamo, hindi mapaparusahan ang mga may kasalanan.
Patuloy lamang na dadami ang kanilang magiging biktima.