MAY MGA MAPAGLARONG salita na nadidinig natin tungkol sa mga pulis na mahilig…. “Pulis, pulis —— mong matulis.”
Mga pulis na hindi mokontento sa iisang babae at parang kasama na sa kanilang pagkamacho ang pagkakaroon baril, tsapa at kerida.
Iba naman ang pulis na inerereklamo sa amin.
May 2007 ng unang lumapit sa aming tanggapan ang isang 20 taong gulang na babae na itinago namin sa pangalang Nalyn.
Kasama niya ang kanyang tita na si Maria Dioleta Sabosido upang idulog ang panggagahasa sa kanyang pamangkin na si Nalyn.
April 5, 2007 bandang ala syete ng umaga umakyat siya sa Erpaul Bldg. para magwalis. Karaniwan na niya itong ginagawa. Nag-uumpisa siya sa third floor hanggang baba.
Ayon kay Nalyn nung nasa third floor na siya at nagwawalis ay lumapit sa kanya ang isang lalaki na nakilala umanong si SPO2 Ronaldo Dalida at biglang tinakpan ang bibig niya ng panyo at pilit na hinihila papuntang kwarto.
Dagdag pa ni Nalyn na nagpupumiglas at tinulak niya ito para makatakas pero malakas talaga si SPO2 Dalida at tinadyakan siya sa kanyang sikmura.
Nang nakaladkad na si Nalyn papuntang kwarto ay inihiga siya nito at agad siyang naghubad at pati si Nalyn ay hinubaran niya.
“Gusto ko sanang magsalita at magmakaawa sa kanya para hindi niya ituloy ang masamang balak niya sa akin pero hindi ako makapagsalita dahil nanghihina ako at natatakot dahil pulang-pula ang mga mata niya,” ayon sa salaysay ni Nalyn.
Sabi ni Nalyn na pinatungan siya ni SPO2 Dalida. Hinawakan at ipinasok ang daliri nito sa kanyang ari at ‘di nagtagal ipinasok niya din ang kanyang ari sa ari ni Nalyn.
“Nakamdam ako ng sakit at pinilit kong magsalita at sinabi kong tama na masakit maawa ka Kuya pero sinabihan niya akong ‘wag kang maingay malapit na. Hindi ko na kinaya ang sakit kaya hinimatay ako,” sabi ni Nalyn.
Noong nagkamalay na si Nalyn ay may suot na siyang damit at nakita niya si SPO2 Dalida na naka-upo sa kanyang tabi at sinabihan siya ng “Virgin ka pa pala. Ako ang naka-una sayo.”
Ayon kay Nalyn na iyak lang siya ng iyak ng mga oras na ’yun dahil sa sama ng loob at nagulat siya ng binanggit ni SPO2 Dalida na “May bibiktimahin pa daw siya kaya lang may asawa”.
Dagdag pa ni Nalyn na sinabihan siya nito na ‘wag siyang magsusumbong kundi papatayin siya ni SPO2 Dalida.
Gustuhin mang tumayo at umalis ni Nalyn ay hindi niya ito magawa dahil sa sakit na kanyang nararamdaman kaya ang ginawa umano ni SPO2 Dalida ay hinila siya palabas ng kwarto at sinabi pang “Gusto kita ihulog para hindi ka na makapagsumbong”. Pinilit niyang tumayo at lumakad palayo upang maka-uwi. Hindi kaagad siya nakapagsumbong kanino man sa takot sa banta ni SPO2 Dalida.
“Hindi ko alam ang aking gagawin. Gusto ko talagang magsumbong pero nauunahan talaga ako ng takot. Parati nalang ako tinatanong ng mga kamag-anak ko kung anong problema ko dahil lagi akong matamlay at parang may sakit,” kwento ni Nalyn.
Yung una hindi nagsasalita si Nalyn pero talagang kinulit siya ng kanyang Tita Dioleta at dun hindi ko na napigilan ang aking sarili. Nag-iiiyak na ko at sinabi ko na ang buong pangyayari.
Lumalabas sa Medico Legal Examination Report ni Dr. Editha Bautista Martinez na “Positive deep healing laceration at 9 o’clock position”
Agad silang nagsampa ng kasong Rape sa Office of the Caloocan City Prosecutor.
“Kina-usap niya ang Tita Dioleta ko at nagpapatulong siya na kausapin ako para i-urong nalang ang demanda ko sa kanya at magbibigay siya ng P100,000 pero hindi ako pumayag dahil gusto kong makulong siya at panagutan ang ginawa niyang kababuyan sa akin,” pahayag ni Nalyn.
September 20, 2007 lumabas ang resolution na pinirmahan ni Asst. City Prosecutor Elmer R. Susano ng Caloocan City. Panig kay Nalyn ang naging desisyon ni Prosec. Susano naisampa ang kasong Rape sa korte.
September 23, 2008 ng malabasan ng Warrant of Arrest si SPO2 Dalida na pinirmahan ni Judge Dionisio C. Sison ng Regional Trial Court (RTC) – Branch 125, Caloocan City.
“Sana mahuli na siya para maramdaman niya ang hirap ng buhay dahil sa paglapastangan niya sa pagkatao ko. Kahit lumuhod siya hindi ko siya papatawarin. Alam kong nagtatago siya ngayon pero hindi magtatagal ay mahuhuli ka rin,” matapang na pahayag ni Nalyn.
Ikaw SPO2 Dalida isa kang kahihiyan sa ating mga kapulisan. Ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ay ginagawa ang lahat para ibahin ang imahe ng ating mga pulis. Na marami ang nagpapakatino ang nagsisikap na ipatupad ang kanilang tungkulin upang manumbalik ang tiwala ng ating mamamayan.
Ikaw SPO2 Dalida anong ginagawa mo? Para kang langaw sa isang basong gatas. (KINALAP NI JONA FONG)
SA PUNTONG ITO nais kong pasalamatan ang tanggapan ng Bureau of Internal Revenue, RD Branch 33 sa Intramuros, Manila. Si Asst. Regional Director Officer Rudy Mendoza, Ms Liza Adorable pati na rin mula sa Office ni Commissioner Sixto Esquivias si Mr. Gerry Flores.
Ang mga taong katulad nila ARDO Mendoza at Liza ay nagpapatunay na marami pa ring magagaling at honest na tao sa tanggapan ng gobyerno lalung-lalo na sa BIR, Regional District Branch 33. Mabuhay kayo d’yan at sana dumami ang tulad ninyo na ipinatutupad ang kautusan ng Pangulo na bawasan ang “red tape sa gobierno”.
Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang aming landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City. Email address: tocal13@yahoo.com