JBC - Justice Behind Curtains

PINAALALAHANAN ng Judicial and Bar Council (JBC) ang mga nominado sa Mataas na Hukuman -– ang hanap ay yung may sariling pag-iisip, na kayang tumanggi sa paki­usap at impluwensya. Napakagandang mga adhikain. Independence and integrity. Sayang lang at galing sa JBC na walang credibility.

Ang JBC ay itinatag ng Saligang Batas upang mag­silbing “screening committee” para sa mga aspirante. Sa pre-Martial Law years, ang Commission on Appointments (CoA) ang sumusuri sa appointment ng mahistrado bilang “check and balance” sa Executive at Judicial branch. Dahil ang CoA ay bahagi rin ng Kongreso, lahat ng proseso nito ay bukas sa publiko. Sa 1987 Constitution, hindi na susuriin ng CoA ang mga mahistrado pagkatapos ng pagtalaga ng Pangulo -– pero may paunang pagsusuri sa pamamagitan ng JBC.

Ang mga miyembro ng JBC ay hindi halal ng bayan. Kaya’t mas kritikal na bigyang publisidad ang mga proseso nito. Sa ilalim ng pamumuno ni CJ Puno, ang mga interview sa aspirante ay binuksan na sa publiko. Subalit may natitirang balakid –- tumututol ang JBC na ipaalam sa tao ang boto ng kanilang mga miyembro.

Ang paglatag ng voting record ng mga JBC members ay paraan upang patunayan ang kanilang independence. Ngayon pa lang ay may nabubuo nang opinyon kung saan kikiling ang mga aplikante, lalo na sa usaping Cha-cha. Hindi maitago na ang ilan ay may koneksyon kay Gng. Arroyo. Malaki ang maitutulong ng paglantad ng boto ng JBC upang huminahon ang mga naghihinala na lulutuin ang screening pabor sa kaalyado ng Ma-la­ca­ ñang. Wala namang ma­timbang na dahilan upang isekreto ang kani­ lang pasya. Ayon sa Sali­gang Batas, kailangang ipag­bigay alam sa publi­ko ang mga mahalagang de­sisyon na umaapekto sa kanilang interes.

Patunayan ng JBC na ito’y independent bago ipilit sa aplikante na ma­ging independent. Maski ang isyu ng integridad –- ano ang kredibilidad ng JBC kung mismong si out­going JBC Senate representative Francis Pangi­ linan ay umamin na kara­niwan siyang tinata­wa­gan upang ipakiusap ang mga aplikante. Imbes na isumbong, pinaba­ba­yaan lang niya ito. Na­saan ang integridad?

Ang bansa’y naliliga-lig sa posibilidad na ga-ga­mitin ng kampon ni Gng. Arroyo ang Supreme Court upang tumagal pa siya sa puwesto. Mala­king maitu­ tulong ng pag­sa­ publiko ng proseso ng JBC tungo sa pagpahi­na­hon ng ating mga kaba­bayan.

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

GRADE: 65

Show comments