(Part 1)
IMPORTANTE ang mga kasong ito tungkol sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 partikular sa Sec. 36 (c ), (d), (f) at (g). Kinuwestiyon ang nasabing batas dahil lumalabag daw ito sa karapatan ng tao laban sa pakikialam ng iba, sa walang katwirang paghahalughog at pagkumpiska na maaaring gawin sa bawat tao at sa karapatan na tumahimik at hindi idiin ang sarili. Kontra rin daw ang batas na ito sa proseso at sa pagkakapantay-pantay ng bawat tao. Pati ang Sec. (g) at ang resolusyon ng Comelec na nagpapatupad nito ay kinokontra dahil bukod sa mga kuwalipikasyon na nakalahad sa ating Saligang Batas, may idinadagdag daw na panibagong kuwalipikasyon para sa mga kandidatong tatakbo sa eleksyon.
Pinapayagan sa Sec. (c) ang pagkakaroon ng tina tawag na “random drug testing” sa mga estudyante sa pangalawa at pangatlong antas alinsunod sa patakaran at regulasyon na eskuwelahan. Ngunit dapat na malinaw itong nakasaad sa handbook ng estud yante at ipinaalam sa mga magulang.
Sa Sec. (d) naman, ang mga opisyal at empleyado ng mga opisina, maging pampubliko o pribado, sa loob o labas ng Pilipinas, ay kinakailangang sumailalim sa drug test ayon na rin sa alituntunin at patakaran ng kompanya upang mabawasan ang pagkakaroon ng ganitong insidente sa trabaho.
Sa Sec. (f), lahat ng taong kinasuhan sa pis- kalya para sa isang krimen na ang hatol ay hindi bababa sa anim na taon ay dapat din na sumailalim sa drug test.
Sa Sec. (g) naman, lahat ng kandidatong tatakbo o ipupuwesto sa isang local o nasyonal na posisyon ay dapat na sumailalim din sa drug test.
Ayon sa Korte Suprema, hindi naayon sa ating Sa ligang Batas ang Sec. (g) at (f). Tanging sec. (c) at (d) lang ang naayon sa Saligang Batas. Pinalalawak daw ng Sec. 36 (g) at ng resolusyon ng Comelec ang mga kwalipikasyong nakasaad sa Sec. 3, Art. VI ng Saligang Batas.
Hindi maipagkakamali na ayon sa nasabing Section (c) ang isang kandidato para sa posisyon na senador ay dapat na hindi nagdodroga bago siya iboto ng tao at kahit pagkatapos niyang maproklama bilang senador. (Itutuloy)