Black President uso ngayon

LALUNG naging inspirado si Makati Mayor Jojo Binay nang manalo sa pagka-pangulo ng Amerika si Barack Obama — ang unang Black President ng Estados Unidos. Nagdeklara na siya ng intensyong tumakbo sa 2010.

Tamang-tama ang timing Mayor. Uso ngayon ang “Black President.” Joke lang.

Kunsabagay, wala naman sa kulay o lahi ang pagse­serbisyo sa bansa. Basta’t may mabuting layunin at maganda ang agenda. Sabi ni Jojo, kung may “Obama” ang Amerika, ang Pilipinas ay mayroon namang “Jobama.” Sige lang Mayor at baka ikaw nga ang tanghaling “dark horse” kahit hindi ka kabayo. Tutal, dark naman ang iyong complexion. Ang nauusong kasabihan ngayon ay “Barack is beautiful.” Joke again.

 Okay iyan. The more, the merrier.

Pati nga si Sen. Miriam Santiago na nabigong makuha ang luklukan sa International Court of Justice ay pabirong nagsabing kakandidato na lang siya uli bilang Pangulo sa 2010. Magugunita na si Miriam ang naging pangunahing katunggali ni dating President Fidel Ramos nang ang huli ay kumandidato sa panguluhan. Hangga ngayon nga’y buo pa rin ang paniniwala ni Miriam na dinaya siya ni Tabako.

Ang dami nang kakandidato. Naririyan si Binay, Metro Manila Chair Bayani Fernando, Senate President Manuel Villar, Vice President Noli de Castro, Sen. Chiz Escudero, Sen. Mar Roxas, at si Sen. Santiago, kung siseryosohin niya ang kanyang biro.

Ang hirap lang niyan sa dami ng pagpipilian ng mga Pinoy voters, baka sila malito. Kung sino man ang ma­nanalo sa eleksyon sa ganyang siste ay hindi talaga choice ng majority kundi “plurality president.”

Kung ang kultura sa Pilipinas ay sadyang culture of cheating, tingnan na lang kung sino ang pi­naka­magaling at disi­mula­dong mandaya. Biro lang iyan.

Sana, sana lang, ang magwa­gi sa 2010 ay yung talagang anoin­ted ng Pangi­no­ong Di­yos.

Sana, may kuman-di­dato sa pagkapa­-ngulo na tunay na ma-ka-Diyos para tuluy-tuloy na ang pagsulong ng ating bansa.

Show comments