MAY gulat factor pa rin kahit papaano ang imahe ng magkakapitbisig na obispong nagpapahayag ng damdamin laban kay Gng. Arroyo. Sa kabila ng pagkadiskumpiyado nang marami sa malamyang pakikibaka ng mga pari, kahit papaano’y lulukso pa rin ang dugo sa pagtindig ng mga prinsipe ng simbahan.
May apog ang apat na nakiisa kay Archbishop Cruz –— hindi madaling humarap sa bayan at ideklara na napapanahon na ang bagong pamahalaan. Subalit iyan na nga ang problema sa eksenang ito. Kung handa rin naman ang apat, kasama ang CBCP head na si Bishop Angel Lagdameo at maski si Bishop Soc Villegas na sugo ni Gng. Arroyo sa Vidal Doble-San Carlos Seminary scandal, bakit ba hindi nila madiretso ang nais sabihin sa taumbayan? Tinawag nilang corrupt si Gng. Arroyo. Idadagdag na rin ba ang kanilang boses sa panawagang magbitiw na o ma-impeach si Gng. Arroyo?
Malaking bagay ang hilingin sa isang mamamayan na linawin sa publiko ang kanyang paninindigan. Kung may kalayaang itaguyod ang paniwala, may laya din dapat na ito’y ipasarili na lamang kung nanaisin. Subalit iba ang pamantayan pagdating sa CBCP. Iba dahil kung hinihintay at tinitingala ng madla ang kanilang bawat bigkasin, ito’y gawa nang nauna na nilang pag-asta laban kay President Estrada. Sa EDSA 2, hindi nakun tento ang mga Obispo sa paghikayat sa taong magpahayag lang ng damdamin. Sila mismo ang gumamit sa kanilang pulpito, pagkatapos ay lumusong sa lansangan at, sa pamamagitan ni Cardinal Sin, nagawang husgahan pa at hatulan si Erap na guilty daw ng plunder at corruption! Subalit kung ihambing sa mga isinisi kay Erap, napakahaba ng litanya ng anomalya ni Gng. Arroyo. Hindi mai-spelling ngayon kung bakit ang mga LEON ng moralidad ng 2001 ay DINADA-GA itong nakaraang mga taon.
Ang mga Obispo ay kabilang sa mga may kagagawan ng problemang ating dinaranas. Aminado sila na ang kanilang partisipas-yon sa EDSA 2 ay tumulong magpahina sa ating mga institusyon.
Bigyan natin sila ng puwang upang iwasto ang nagawang pag- kakasala sa bayan.
Kung nangahas silang manguna sa pagkilos para palitan ang isang lider na niluklok mismo ng bayan, ano ang kakayaning gawin laban sa isang tao na sila lang mismo ang nag-upo?
CBCP 5
GRADE: INCOMPLETE