Undas: Para sa mga patay o para sa mga buhay?

HINDI maaaring magmintis sa selebrasyon ang mga Pilipino tuwing Nobyembre 1 dahil sa All Saints Day at Nobyembre 2 dahil sa All Souls Day, lalo na kung ikaw   ay isang Katoliko.

Bukas pa ang simula ng Undas subalit makikita na ang pagdadagsaan ng mga tao mula sa mga terminal ng sasakyan para sa mga uuwi ng kani-kanilang probinsiya.

Sa mga sementeryo kung saan naglilinis na ang lahat ng kani-kanilang puntod ng mga namayapang kamag-anak at mahal sa buhay.

Hindi na rin mahuhulugan ng karayom ang mga pa-mi­lihan kung saan mabenta na ang mga bulaklak at kandila. Pagkakataon ito ng ilang gahamang negos-yante upang mahalan ang kanilang mga produkto.

Ibig sabihin, busy na si Juan dela Cruz para sa pre­parasyon sa araw mismo ng undas. Hindi man aminin ng bawa isa sa atin subalit may halong excitement ang pagpunta sa mga puntod ng ating mga mahal sa buhay.

Hindi nga ba’t nagsisilbing reunion na ang Undas     para sa mga magkakamag-anak. Mala-picnic pa ang style       ng kanilang salu-salo o pagkain na nakapuwesto sa ibabaw ng mga puntod.

Habang sa labas naman ng mga sementeryo, naka­abang na rin at nakapuwesto ang mga alipores ni Taning kung saan nagmamatyag na sa kanilang mga hahablutin at dudukutin.

Sila ‘yung mga eskubador, mandurukot, isnatcher, ipit gang, chiklet gang, dura gang at kung anu-ano pang grupo na nambibiktima ng mga tao sa mga lugar na matao at siksikan para makapagnakaw ng ma­ hahalagang bagay.

Sa mga eksenang ito, kung titingnang ma­buti, nagiging oportu­nidad ang mga okas­-yon tulad ng Undas para sa mga mapagsa­man­talang negosyante, ko­lokoy sa lansangan at nagre-relax na mga Pi­noy (dahil walang pasok).

Ito na ba ngayon ang estilo ng paggunita sa araw ng mga kalu­luwa? Ang magpa­ka­saya, magpakabusog at manamantala?

Berdugo man ang BITAG, sabihin man ng iba na kami ay walang kaluluwa sa pagtrato sa mga anay ng lipunan na aming nabi-BITAG, naiintindihan naman na­min ang sali­tang pag­ darasal at pagrespeto.

Ngayong panahon ng Undas, nagpapa­alala at nagbababala lamang kami.

Show comments