(Unang bahagi)
NUNG DEKADA ’70 napanood natin ang isang “award-winning film” na ang titulo, “Minsa’y Isang Gamu-Gamo…”
Ito’y idinirehe ni Lupita Kashihiwara. Ang tema ay kung paano tinatarget ng mga sundalong Amerikano ang mga batang namumulot ng scrap sa compound ng Clark Air Base sa Pampanga at binabaril na parang baboy.
Dito nauso ang linyang “MY BROTHER IS NOT A PIG…”
Tampok ngayon ang isang istorya kung saan ang isang 16 taong gulang na binatilyo ay binaril dahil sa pamumulot (pagnanakaw?) ng mga tornillo. Basahin at sundan kung may pagkahawig ito sa pelikulang sinabi ko.
October 2, 2008 ng pumunta sa aming tanggapan si Prescilla L. Velarde. 52 taong gulang at mula pang Magalang, Pampanga. Kasama niya si Rico Soliman isang kapitbahay.
Ikinwento nila sa amin kung paano nagambag-ambag silang magkakapit bahay upang makarating lang sa aming tanggapan at maidulog ang nangyari kay Alejandro Velarde. Siya ay 16 taong gulang at isa sa walong anak ni Prescilla.
April 12, 2008 bandang alas kwatro ng madaling-araw ng umalis si Alejandro kasama ang kanyang tatay na si Estanislao Velarde upang magtapon ng mga basura ng karinderia ni Baby Ocampo sa Palengke.
Mahigit sampung taon ng hanap buhay ng pamilya nila Prescilla ang pagtatapon ng basura. Lunes, Miyerkules at Sabado nila ito ginagawa at kumikita sila ng P70, 00 kada araw.
Gamit ang tag-isang bike na pangbote diyaryo ng silay magpunta sa karinderia. Inakala ni Estanislao na kasunod niya ang anak ngunit paglingon niya ay wala ito. Nagpatuloy parin siya sa pag-aakalang magkikita rin sila ng anak maya-maya.
Bandang ala sais ng umaga ng pumunta sila SPO2 Romeo Bulanadi at isa pang pulis sa bahay nila Prescilla.
“Sinabi niya na binaril ang anak kong si Andrew dahil nagnakaw sa carwash. Sumama kagad ako sa mga pulis papunta sa Balicutan Hospital dahil sa pag-aalala,” kwento ni Prescilla.
Pagdating sa Balicutan Hospital ay nakita niya kaagad ang anak niya na nakahiga at naka-“dextrose”. Kinailangan ilipat si Alejandro sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital dahil sa walang sapat na kagamitan ang Balicutan Hospital upang magamot ang bata.
Ginamot kaagad si Andrew sa nasabing ospital. Sinabi ni Dr. Gamboa na tinamaan ang “spinal cord” ng bata at kailangan i-CT Scan para malaman ang deperensya kung bakit hindi maikilos ni Andrew ang kanyang bewang hanggang paa.
Dahil sa kapos din sa pinansyal ang pamilya ni Prescilla para mapa “ct scan” at maibili ng gamot ay nagdesisyon sila na iuwi nalang si Andrew.
“May 5, 2008 ng iuwi namin si Andrew. Sa bahay nalang namin ipinagpatuloy ang pag-aalaga sa kanya. Mahirap ang naging kalagayan niya dahil hindi na siya makagalaw at baldado na siya,” sabi ni Prescilla.
Habang nasa ospital ay napag-alaman ni Prescilla na isang Stanley B. David na taga San Nicolas 1, Magalang, Pampanga at may-ari ng carwash ang bumaril sa kanyang anak.
Ayon sa “complaint affidavit” ni Stanley na bandang alas kwatro ng madaling-araw habang siya ay natutulog sa itaas ng kanyang bahay ay may narinig siyang tao na gumagalaw sa ibaba.
“I saw a person piling up some cans of bolts and nuts and when i tried to see what he had done, I saw some bearings and swing arms also in the piles,” ayon sa complaint affidavit ni Stanley.
Dahil sa kanyang nakita kinuha niya ang baril ng kanyang lolo upang protektahan umano ang kanyang sarili.
“That I yelled at him and when he turned towards me I shot him but he ran and hid at the back of a car so I knocked at the door of my brother Emerson David for help and when he came out we discovered that the man was lying down,” dagdag pa ni Stanley.
Nilapitan nila ang lalake. Nakita nilang may malay ito at amoy alak. Tinanong siya ni Emerson kung sino siya ngunit hindi siya sumagot.
Ayon pa sa salaysay ni Stanley na nung makita niya ang mukha ng bata ay nakilala niya agad ito dahil siya rin ang parehong taong nakita niyang nagnanakaw ng mga gamit mula sa kanilang carwash. Nakilala ni Stanley ang taong ito na si Alejandro.
“That during those previous times, on April 7 and 10, 2008 an older person who has now been identified as the father of Alejandro, Estanislao Velarde, is the same person who was with him and who waited for him to come out of our shop and who hurriedly helped him carry out the goods stolen from our shop,” mula pa rin sa complaint affidavit ni Stanley.
Makalipas ang ilang minuto ay may mga dumating na mga pulis sa carwash. Kinuhaan ng litrato ang “crime scene” at dinala sa ospital si Alejandro.
Idinitalye ni Stanley sa kanyang complaint affidavit ang mga gamit na umano ay nawala.
“That on April 7, 2008 when Alejandro first robbed our shop he was able to steal a 12 R engines parts, Suzuki X4 engine cylinder block and carburetor, CB125 engine cylinder block, Kawasaki block 400cc. and cylinder block and carburetor, socket, set power tools, compressor couplings and compressor platform all amounting to a total of P170, 000.00,” ayon parin sa complaint affidavit ni Staney.
Dagdag pa niya nung April 10, 2008 na ang mga sumusunod naman ang mga tinangay nila Alejandro mula sa kanyang carwash (7pcs. of alternator, 2pcs. of starter, evaporator for aircon, 16pcs. U-bolts, 7 cans of bolts and nuts, compressor accessories, 2pcs. Prybar and Robin Generator all amounting to a total of P70, 000.00).
Nireport ni Stanley ang mga pangyayaring ito at ipina-blotter sa Punong Barangay nung April 8, 2008 at April 10, 2008.
Sinagot ni Alejandro ang mga paratang ni Stanley. Ano ang laman ng kontra salaysay niya? Si Alejandro ba ay tinarget lamang nitong si Stanley parang isang baboy ang isang riple ng kanyang lolo?
ABANGAN SA BIYERNES eksklusibo dito lang sa Calvento Files at PSNgayon.
Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang aming landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
* * *
Email address: tocal13@yahoo.com