MAY langis na tayo! Pero bago kayo mag-isip na magiging Saudi at Dubai na tayo, alamin muna natin ang mga katotohanan. Matagal na palang alam ng gobyerno, hindi lang itong administrasyon na ito, na may langis sa tinatawag na Galoc oil field. Pero dahil mababa ang presyo ng langis noon, at hindi naman kalakihan ang estima nila sa naturang oil field, walang kompanyang gustong pasukan ang negosyong ito. Hindi naman kaya ng Pilipinas na pondohan ang ope rasyon at napakamahal! Kaya hindi na ito pinansin.
Ngayon, iba na ang sitwasyon. Kailangang- kailangan ang langis, dahil ang suplay nito ay bumaba na nang husto, kumpara sa mga nakaraang dekada. At dahil mataas na nga ang pres yo ng langis, may mga interesado nang mga grupo para balikan ang Galoc oil field para kunin ang laman. Maraming kompanya ang nagbuo ng consortium para pagtulungan ang proyekto. At noong nakaraang linggo nga, nakakuha na ng langis na tinawag nilang Palawan Light. Ang kayang hanguin 20,000 bariles kada araw, o mga anim na porsiyento sa kabuuang pangangailangan na krudo ng bansa araw-araw, na pumapalo sa 300,000 bariles. Ang estimate naman kung ilan ang laman ng Galoc, nasa 20-milyong bariles.
At paano naman ito makakatulong sa bansa? Makakatipid tayo sa delivery cost, kasi sa atin na nga ang langis. At hindi na rin ito mapapatawan ng taripa dahil hindi naman imported. Pero isipin muna ninyo na kailangang makabawi ang mga kompanyang namuhunan para masipsip ang langis sa dagat. Seventy percent ang nakatakda para sa kanilang operational costs. At kapag nakuha na nila ang parte nila, ang matitirang 30 percent ay paghahatian pa ng gobyerno at nung mga kompanya, sa tunog na 60-40.
Halimbawa, kung $100 ang bentahan ng la-ngis, $70 ay mapupunta sa mga kompanya bi- lang operational costs, at yung $30 ay hahatiin ng $18 para sa gobyerno, at $12 para sa mga kompanya. At kung itutuloy ninyo ang kalkulasyon, kung 20,000 na bariles ang mahahango araw-araw, mauubos ang 20 milyong bariles ng Galoc oil field sa loob ng tatlong taon.
At ang pinaka-importanteng katotohanan, hindi bababa ang presyo ng gasolina at diesel sa istasyon, dahil 6 percent lang naman ang nabibigay ng Galoc. Kung nasa mga 50 percent sana iyan, baka makaapekto pa ng presyo. Kaya malayo pa tayo sa P10 bawat litro ng gasolina at P7 bawat litro ng diesel.
Pero, kailangang bantayan ang perang na kukuha ng gobyerno sa bagong diskubreng langis, at baka kung saan-saan na naman mapunta ang mga pondo. Iyong maliit na natitipid, kapag pinagsama-sama ay nagiging malaki. Palapit na ang 2010 elections. Baka kung anu-ano ang lalangi-san na naman ng pondong galing sa langis!