Sakit sa puso ng kalalakihan

 “MATAGAL na akong umiinom ng metoprolol (gamot      sa puso). Nitong mga ilang buwan, napansin ko na mahina na ako sa sex at ayaw nang “gumana” ang aking “organ.” Dahil ba ito sa gamot na iniinom ko Dok?”

Mainam ang metoprolol para sa sakit sa puso ngunit isa sa side effect nito ay problema sa erection sa ilang pasyente. Base sa kuwento mo ay matagal ka nang umi­inom ng metoprolol, pero, ngayon ka lang nagkaproblema sa sex. Hindi dapat sisihin ang iyong gamot. Ang payo   ko ay magpakunsulta ka sa iyong doktor bago mo ihinto ang gamot na ito.

Ang “erectile dysfunction” o ang pagiging “impotent” ay maraming dahilan tulad ng diabetes, pag-edad, pag-inom ng alak, at paninigarilyo. Ipasuri ang iyong blood sugar. Ihinto ang sobrang alak. At tigilan na ang masa­samang bisyo. Malay mo, baka manumbalik ang galing mo sa sex. Good luck!

“Bakit marami sa kaibigan kong lalaki ay inatake sa puso?”

Sa mga kalalakihan, may malungkot akong balita. Mas masasakitin sa puso ang mga lalaki kumpara sa mga babae. Base sa pagsusuri, mas maikli ng limang taon ang buhay nila kaya mas nauunang mamatay.

Dalawa ang dahilan nito: (1) lahi at (2) pamumuhay. Una, kung may sakit sa puso ang magulang, mas mataas ang peligro na mamana mo ito. Ikalawa, ang mga lalaki ang inaasahang magtrabaho, magsipag at maharap sa matinding stress. Ka­ila­ngan kasi nilang kuma­yod para mabuhay ang pamilya. Gusto rin nilang ipakita na “macho” sila at kini­-kim­kim ang sama    ng loob imbes na ilabas ang sa­loobin.

Problema rin ang pag-inom ng alak at pagga-mit ng droga. At saka, mas duwag pa ang mga lalaki na magpa-check up kaya malubha na ang sakit bago kumunsulta sa doktor. Kaya mga anak, pakiusapan natin si tatay na magpatingin sa doktor. Ang kalu­sugan ang pina­ka­ma­gandang regalo natin sa kanila.

* * *

E-mail: drwillieong@gmail.com

Show comments