Dalawang pulitiko hindi nagpakita ng magandang asal

NAPATANGAN ang mga pasahero last Sunday sa Centennial Terminal 2 ng NAIA dahil nagkaroon ng sabunutan este mali sampalan pala sa pagitan ng dalawang magigiting na pulitiko na sina Jolo, Sulu Governor Abdul Sakur Tan si Ahmad Nanoh, Mayor ng Pangutaran Province sa Sulu.

Ang sabunutan este mali sampalan pala ay nangyari sa loob mismo ng arrival area ng paliparan kaya na witness ito ng madlang people na dumating todits sa Manila.

Sinabi Gov. Tan at Mayor Nanoh ay kapwa nakasakay sa PAL flight PR 128 from Zamboanga City. Ang mga bodyguard nila ay nagsuntukan din ng makasibat na ang mga pasahero sa arrival area ng NAIA. 

Naawat lamang ang bakbakan blues ng magdatingan ang reinforcement ng Airport Police para sila awatin at dehins na lumala pa ang situation.

Dehins pa todits natapos ang away dahil habang hinihintay nina Mayor Nano at ang son nitong si Al Radzmin para kunin ang kanilang bagahe sa conveyor ay nilapitan ito ng Governor at muling nagkainitan kahit na napakalamig sa airport. Hehehe!

Isang matunog na sampal ang sumalubong sa mukha ni Mayor Nanoh ng pagbuhatan ng kamay ni Governor.

Sabi nga, pak!

Mabilis na naawat ito ng mga airport police at pinaghiwalay ang dalawa na parang aso’t - pusa!

Si Mayor Nanoh kasama ang anak nito ay nagpunta sa himpilan ng mga katulisan este mali kapulisan pala para magharap ng reklamo.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasa himpapawid pa umano ang aircraft ng dalawa ay nagkakasagutan na ang magigiting na opisyal ng go­bierno.

Naku ha!

Pinoy people, magtipid

HINDI biro ngayon ang nangyari sa Tate porke bagsak ang kanilang ekonomiya at hindi lang ang bansang US of A ang apektado dito kundi maraming bansa ang umiiyak sa ngayon dahil sumasadsad din ang kanilang economy.

Sa Philippine my Philippine kaya ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na itaas daw ang antas ng ating economy.

Sabi nga, under control!

Ang masama lang at halos nagiingat, natatakot echetera sa isyu naman ng bumabagabag na lason gatas from China. Ang “melamine’!

Dapat gawan ng paraan ng Department of Health at BFAD ang malaking problema ngayon sa Philippines my Philippines at hindi lamang dito nangyayari ang pangamba ng madlang people kung sa buong mundo na.

May mga namamatay at nagkakasakit dulot ng lason gatas!

Kung anuman ang dapat gawin ng gobierno regarding this matter ay dapat pagtulungan ito ng lahat para naman huwag tayong tamaan ng delubyo na sinabog ng mga ganid sa pera.

Abangan.

BIR Commissioner Hefti, sibakin na!

DAPAT huwag ng patagalin ni Prez Gloria Macapagal Arroyo si BIR Commissioner Hefti sa kanya puesto dahil habang tumatagal ay wala na itong makolekta ng maayos sa bureau.

Siguro panahon na para magising si Gloria sa problema ng bagsak na koleksyon.

Sabi nga, hindi biro!

Last August ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, almost P20 billion ang lagapak.

Wala na sigurong mabuting gawin si Prez Gloria kundi ang sipain si Hefti para matugunan ang maayos na koleksyon.

Ano ba ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung ipagsasama-sama ang buwan mula noon Enero hanggang Agosto ay baka malula si Gloria dahil wala talagang nagawa ng maganda si Hefti sa BIR.

‘Panahon na ba para sibakin si Hefti?’ tanong ng kuwagong magsasaka.

‘Dapat lang at kung gagawin ay sa lalong madaling panahon’ sagot ng kuwagong api.

‘Matindi ba ang padrino nito kaya hindi mabitawan ng Malacañang?’

‘Siguro.’

‘Ano ang dapat gawin kung matindi ang padrino.’

‘Basta ang importante ay masibak si Hefti at palitan ito ng may malasakit sa kapakanan ng madlang people ng Republic of the Philippines’

‘Kamote, tumpak ka!’

Show comments