INANUNCIO ng papal este mali ng Commission on Audit pala, dehins daw magaling ang serivice ng computerization ng Land Transporation Office kaya daw may anomaly todits at unscropolus transaction sa issuance ng driver’s license at car plates dagdag pa todits ang rehistro ng mga vehicles sa nasabing sanglaan este mali ahensiya pala.
Ito ang audit report ng COA sa DOTC last 2007 porke nabuko nila na sangdamukal daw ang deficiencies sa information technology system ng Stradcom Corporation para sa drivers license issuance at renewal ng license, inventory management system dahil kontrolado ng LTO ang manufacture at issuance ng car plates at iba pa siempre ang manufacturers, assemblers, importers at dealers reporting system na siyang tumitiktik sa mga manufacture at importation ng mga vehicles para maiwasan ang carjacking at car theft.
Nabuko ng cia este mali COA pala na madamong counts ng manual uploading na naisasagawa sa rehistro ng sasakyan at issuance ng lisensiya sa kabila ng mayroong computerization system ang LTO hindi birong kontrata toits porke last 1998 pa pala ang operation,
Naku ha!
Ayon sa COA kapag computerization ang system ng isang agency alaws dahilan para magsagawa ito ng manual operation doon daw kasi pumapasok ang mga anomalies.
Totoo kaya ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kumokolekta din daw ang Stradcom ng computer fee kahit na manual ang operation ?
Naku ha, totoo ba ito?
Sa batikos este mali report pala ng COA ang Stradcom daw ay naniningil ng big amount sa pondo ng LTO bilang bayad sa masahe este mali serbisyo nito kahit na daw manual ang uploading ng transaction.
Ano ba ito?
Sinasabi ng COA na nakita din daw nila ang ilang transaction ay na upload lamang Stradcom after three years kahit na daw may commitment ang nasabing company sa upload transaction in 48 hours
May problema ito kung totoo ang report?
Pinapapaliwanag ang LTO kung why hindi nito binibigyan ng penalty ang Stradcom kahit na nagpa-process ito ng manual dahil bogged down ang computers ng agency.
Bigo umano ang Stradcom na mag-install ng components ng computerized IMS kasama na ang IMS tracking facility sa LTO na may delivery deadline last 2003 pa.
Nabuking din ng COA na four ng LTO offices sa Philippines my Philippines lamang nailagay ng Stradcom ang IMS tracking facility gayun dapat ay sa lahat ng mga LTO office.
Napagalaman ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na ito ay nailagay lamang sa property office, LTO Central Office, LTO CENTRAL - NCR at LTO office ng Region 3 and 4.
Bakit?
Sabi ng COA, ang kakulangan daw ng IMS ang dahilan kung bakit may anomalya sa rehistro ng sasakyan at paglaganap umano ng mga pekeng forms sa LTO kaya nagkakaroon ng ‘kambal plaka’ o madaming plaka na minsan ay para sa limang sasakyan?
Totoo kaya ito?
Hindi daw mokontro ang ganitong sistema o pangyayari dahil hindi maganda ang sistema ng IT sa LTO.
Ang Stradcom pala ang may hawak ng IT program ng LRA na dehins natuloy dahil kulang daw sila sa sistema.
Sila din ba ang contractor ng SLEX na hindi pa rin matapus-tapos na daan?
Sila din kaya ang company may hawak ng ARMM Elections na may mga lumabas ding kapalpakan sa sistema ng computerization?
Sana sagutin ng mga authorities ang mga pahayag ng COA para bigyan linaw ito?
Kung gusto ninyong sumagot magpadala kayo ng letter sa mga kuwago ng ORA MISMO.
Abangan