NAKAKATIYAK ng si PNP Deputy Chief for Administration 3-star General Jesus ‘Bigote’ Verzosa miembro ng Philippine Military Academy Class 76, ang susunod na papalit kay Mamang Pulis General Sonny Razon bilang Philippine National Police Chief.
Si Verzosa, ang official ng PNP, na pinagkatiwalaan ni DILG Secretary Ronnie Puno at ng lahat ng mga matataas na official sa NAPOLCOM at maging si Mamang Police Sonny para humalili sa iiwanan kaharian ni Razon ngayon buwan.
Ang basbas na lamang ni Prez Gloria Macapagal Arroyo ang hinihintay na ibaba para sa bagong posisyon ni Jess.
Sabi nga, thank you, LORD!
Tahimik at mataas ang respeto ng katulisan este mali kapulisan pala kay Jess kaya siya ang itinulak para pumalit kay Mamang Pulis.
Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang nakapasa sa ‘standard’ ng National Police Commission kung qualification lamang ang pag-uusapan kundi si Bigote lamang.
Sabi nga, si Jess lang wala ng iba.
Si Verzosa, lang pala ang kaisa-isang PNP official na inindorso ng NAPOLCOM at DILG sa malakanin este mali Malacañang pala.
Iba kasi si Verzosa, mataas ang kredibilidad at may dignidad!
Tahimik si Jess na kumikilos hindi lang sa Metro-Manila kundi sa buong probinsiya ng Philippines my Philippines para ipaalam sa mga kapulisan ang reform na gusto niyang gawin sa mga ito hindi porke kandidato siya bilang PNP chief kundi ang pagbabago ng imahe ng mga ito sa Republic of the Philippines.
Sabi nga, REFORM or parents este mali PERISH pala. Hehehe!
Marami ang gumapang na official ng PNP para sila ang makasungkit ng iiwanan kaharian ni Sonny pero basang-basa ng mga bright natin official sa government of the Republic of the Philippines kung ano ang kakayahan ni Verzosa kapag siya ang humawak ng command ng Philippine National Police.
Sabi nga, hindi biro ang tiwala sa kanya ni DILG Secretary Ronnie Puno!
Kung hindi nagkakamali ang mga kuwago ng ORA MISMO, breaking the record ang PMA Class 76 porke ang mga magmi-MISTAH sa klase ng 76 ang mukhang hahawak ng mga sensitibong posisyon hindi lamang sa PNP tulad ni Jess kundi maging sa AFP.
Andyan si AFP Chief of Staff Alex Yano, andyan ang FOIC ng Philippine Navy, ang Army at coming later ang PAF.
Sabi nga, good luck, boys!
Wait and See kung ano ang magiging takbo ng Philippines my Philippines sa mga hinirang na official ng ating AFP at PNP sa kamay ng PMA Class 76.
Amen!
‘Sa palagay mo ba gaganda ang takbo ng gobieno ng Philippines my Philippines kung ang Class 76 ang magiging opisyal ng mga sensitibong sangay ng AFP, Navy, Army at PNP?’ tanong ng kuwagong pulis na hindi napili para kay Razon.
‘Siguro dahil iba ang grupong ito may mga BAYAG at dedicated sa serbisyo’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘May kredibilidad, dignidad, posibilidad at may edad este mali iginagalang pala hindi lang ng mga retired official ng militar, PNP at gobierno kundi ang kanilang mga tauhan.’
‘Sa palagay mo ba talagang ayos ito?’
‘Kamote, iyan ang abangan mo!’