Kailan tatama ang weather forecasts?

PERFECT ang weather forecasts dito sa United States, hindi katulad sa Pilipinas. Dito, detalyado ang kanilang sinasabing impormasyon kapag may hurricane. Ang nakahahanga, malayo pa ang sama ng panahon ay ibinabalita na kaagad nila. Malayo pa, alam na ng weather station dito kung may darating na hurricane at kung saan ito patungo. Nalalaman din nila kung gaano kalakas ang hangin at ulan.

Nang dumating ang Hurricane Gustav sa Louisiana ay ma­raming tao ang nakapaghanda. Paano’y hindi pa man duma­dapo ang Gustav ay nagbibigay na kaagad ng warning ang weather station central kaya naman nakapagprepara ang mamamayan.

Ang kasunod na nananalasa ay ang Hurricane Ike na agad din namang ibinalita ng weather station. Halos eksakto ang araw ng dating ng Hurricane na sinabi nilang hindi bababa sa category 3 ang lakas na bagyo. Tala­gang malakas ang Hurricane Ike gaya ng ibinalita ng weather station. Malakas ang hampas ng hangin at ulan. Tinamaan ang mga lugar na binanggit sa weather forecasts.

Sana ay ganito kagaling ang pagbibigay ng balita sa PAGASA. Nakakadismaya kasi ang ibinabalita ng PAGASA sapagkat mali ang forecasts sa bagyo. Ang nangyayari tuloy ay hindi makapaghanda ang mama­mayan at awtoridad sa pagdating ng bagyo. Walang nagagawang hakbang para masiguro ang kaligtasan ng mamamayan. Wala sa kaling­kingan ng US ang gina­gawa ng PAGASA.

Malaki ang maitutu­long ng media para mag­karoon ng pagbabago sa PAGASA. Nararapat batikusin nang batikusin para magkaro-on nang reporma sa PAG­ASA. Ang alam ko may ma­laking budget na nakalaan sa PAGASA para bumili ng mga bagong equipment o sophisticated radar na madaling matunton ang path o kaya’y ang “mata” ng bagyo. Dapat na magka­ roon ng mahu­say na equipment ang PAGASA dahil palaging dinadalaw ng bagyo ang Pilipinas.

Show comments