SABI ng barbero kong si Mang Gustin, kung may kahihiyan si Justice Vicente Roxas ay magbibitiw na siya sa Court of Appeals. Kasi raw, unanimous ang desisyon ng Korte Suprema noong Martes na si Roxas ay guilty sa “pambibitin” sa isang kaso ng Napocor na hinawakan niya.
Dagdag pa ng SC “Justice delayed is justice denied” kasabay ng pagpapataw ng multang P15,000 kay Roxas. At ganyan din ang ginawa ni Roxas bilang ponente ng Meralco-GSIS case nang isalin niya sa CA 8th Division ang kaso mula sa Special 9th division, kahit pa may nakapending na mosyon sa 9th, sa tangka ni Justice Bienvenido Reyes na agawin kay Justice Jose Sabio ang chairmanship ng nasabing division.
Kung inupuan ni Roxas ang mosyon ng Napocor, tinakbuhan naman niya ang mosyon na nagbigay-daan sana para maresolba mismo ng CA 9th Division ang isyu kung sino kina Sabio at Reyes ang dapat mamuno sa dibisyon. Matatandaan n’yo na ibinulgar ni Sabio na mistulang “mensahero” si Roxas para personal na papir mahan sa kanya ang temporary restraining order (TRO) na hinihingi ng Meralco laban sa Securities and Ex- change Commission. Kastigo ang inabot ni Roxas sa panel members na sina retired SC justices Flerida Ruth Romero at Romeo Callejo.
Lumabas ang totoo. Ang kaisa-isang ruling ni Vasquez bilang presiding justice ay ang ibasura ang mosyon ng GSIS na magkaroon ng isa pang raffle matapos bumagsak ang kaso kay Roxas. Ang rason ng GSIS: “unfit” si Roxas hawakan ang kaso dahil sa dalawang kasong kinakaharap niya sa SC, kabilang ang akusasyon ng kawalan niya ng kaalaman sa batas. Bukod pa ito sa mosyon ng GSIS na mag-inhibit si Roxas nang maglabasan ang balita na nakipagkita ito sa mga abogado ng Meralco nang araw na ilabas ang TRO.