Itong Balagtasan binubuksan ko na
Ito’y pagtatalo sa wikang patula;
Ito’y isang sining na yaman ng bansa
Tumpak lang buhayin sa Buwan ng Wika!
Itong Balagtasan ay unang nauso
Nang wala pang TV –- libangan ay radio;
Ito ay lingguhan at hintay ng tao
Pagka’t bumibigkas mahusay bumerso!
Unang Balagtasan ay pinagtalunan
Ng dalwang makatang tubo sa Bulacan;
Corazon de Jesus unang nangatwiran
At Nemesio Caravana sumegunda naman!
“Bulaklak ng Lahi” naging unang paksa
Pinagdebatihan ng dalwang makata;
Sino sa kanila ang mahal ng mutyang
Bulaklak ng lahi na laging sariwa!
Unang Balagtasa’y nalimbag sa aklat
Na sa high school subject noo’y ginagagad;
Pinagtataluna’y puso ng bulaklak
Nina Paruparo’t Bubuyog sa gubat!
Itong Paruparo’y naghayag ng panig
Na siya ang dapat na magtamong langit;
Ngunit si Bubuyog na laging kalapit
Nagsabing siya raw ang s’yang iniibig!
Si “Huseng Batute” saka Caravana
Sila ay sinundan nang maraming iba;
Noo’y may indayog kanilang pagtula
Kaya itong baya’y lubos ang paghanga!
Sa hindi malamang sanhi at dahilan
Biglaang naglaho itong Balagtasan;
Salamat kay Mayor at sa kanyang Ginang
Dito sa San Pedro ito’y binubuhay
Si Mayor Cataquiz at ang kanyang Misis
Itong Balagtasan ay ginawang contest
Kaya ngayon dito tayo’y magmamasid
Sa mangag-aaral na dito’y titindig!