PINAAALALAHANAN ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga Master Masons na magtutungo sa Bacolod, magdala kayo ng sarili ninyong Aprons!
Magkaisa para hindi maging dalawa
KAHIT saan ipaling ng madlang people ang kanilang tingin mapa-kaliwa o kanan, mapa-likuran o harapan, mapataas o sa ibaba walang kaduda-duda grabe as in grabe ang presyo ng bilihin ngayon.
Ang ma-e-erap ang very much affected dito dahil ang pitsa nila sa katawan ay katiting lamang kaya naman panahon na sigurong itaas ng gobierno ang sahod ng masa.
Si Ate Gloria na lamang ang hindi tumataas dahil ang lahat ng bilihin ngayon ay parang jet na bumulusok paitaas ang presyo.
Mapa-gasolina, bigas, isda, itlog, manok, baboy, baka, gulay, de lata, tinapay etchetara.
Pahirap ng pahirap ang buhay ng madlang people ngayon 2008 pero nakakatiyak ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa kalagitnaan ng 2009 ay giginhawa ang kabuhayan.
Sabi nga, maraming pera!
Bakit?
Pupustura na ang mga political candidate para paghandaan ang 2010 Presidential Election.
Sabi nga, rambulan ito.
Ika nga, national election.
Kamote, ito ang dahilan kaya luluwag sa pitsa.
Naku ha!
Ngayon 2008. kung ang mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatanungin kung bakit nagkakaroon ng sunud-sunod na problema ang Philippines my Philippines isang simpleng sagot lamang ang masasabi nila.
Ano?
Itigil na ang putakan este mali politikahan pala!
Magkapit- bisig muna tayo at magtulungan para naman gumulong ng maganda ang ekonomiya ng Republic of the Philippines.
Huwag natin sanang takutin ang madlang people para hindi mag-picnic este panic pala sa mala-delubyong nangyayari ngayon sa bayan ng mga kurap este mali Philippines my Philippines pala.
Mapa-administration or opposition lahat sila tama kung ang mga lumalabas sa bibig nila ang pagbabasihan dahil hindi naman sila aamin na mali ang kanilang mga sinasabi.
Ika nga, puro sila bida!
Sabi nga, pa-bright, bright.
‘Umiiyak na ang madlang people sa mahal ng bilihin ngayon’ sabi ng kuwagong mambubukol.
‘May isyu bang dapat pagtakpan ang gobierno para hindi mayugyog kaya gumagawa sila ng paraan para manahimik at pumila ang bayan’ ?’ tanong ng kuwagong maninipsip ng tahong.
‘Hindi naman siguro gagawin ito ng gobierno dahil malaking problema ito kapag nagalit ang madlang people’
‘Ano ang magagawa ng madlang people, aber?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Eh, kamote ka pala di evolution este revolution pala.’
‘Iyan ang hindi nila magagawa!’
‘Kapag ang tao gutom nauutot este maraming naiisip’
‘Kamote, may isip ka ba?’
‘Iyan ang huwag mong ipag-ingay’
Tired este Retired General Nicasio Radovan, read this
MALASADO este mali demoralisado pala ang taga - Customs police mula ng malagay sa puesto itong si dating Region 4-A PNP Regional Director Nicasio Radovan dahil tinalo pa daw nito ang ilang matataas na opisyal sa Arroyo government porke ang dami daw nitong bodyguards. May escort pang mga higad este hagad pala at panay pa ang gamit ng sirena sa kanyang tsikot.
Si Radovan, kasi ang hinirang na Director ng Custom Police.
Bukod pa dito nagbitbit pa daw ng mga tauhan si Radovan na wala namang mga plantillia sa bureau kaya nagtataka sila kung sino ang magpapasahod todits.
Sabi nga, alangan naman ang Arroyo administration.
Matindi ang kritiko ni Radovan kung ang mga galit sa kanya sa bureau ang pagbabasihan.
Director, sana bantayan mo ang mga nakapaligid sa iyo dahil ito ang mga sumisira at nagkakalat ng mga tsimis tungkol sa mga galaw mo dyan sa bureau.
‘Totoo bang after lunch mahirap ng makita si Radovan sa office niya?’ tanong ng kuwagong bugaw este broker pala.
‘Saan ba nagpupunta si Radovan kung wala ito sa kanyang office?’ tanong ng kuwagong maninipsip ng tahong.
‘Dyan natin uumpisahan ang magandang kuento kapus lang ang kolum ng Chief Kuwago’
Abangan!