Ano ang orgasm?

(Huling bahagi)

MARAMING disorders sa sexual function. Sa mga kalala­kihan, nandiyan yung tinatawag na premature ejaculation o pagputok nang napakaaga kahit hindi pa naipapa­sok ang ari. Mayroon din namang kapag kapapasok pa lamang e pumutok na.

May mga kalalakihan na ang problema ay ang tina­tawag na retarded ejaculation. Ito yung nami-maintain nila ang tigas subalit ang pagputok ay sobra naman ang delayed. Sa madaling salita, matagal siyang magtrabaho pero ang pinakaaasam niyang pagputok ay hindi mang­yari. Maraming kalalakihan ang nakararanas ng ganyang problema.

May mga lalaki at babae na may low sexual desire disorder. Ito yung pagkawala ng kanilang pagkahilig sa pakikipagtalik.. Nawala na ang sexual fantasy sa kanila at napakababa ng desire sa pakikipag-sex.

May mga tao rin naman na may sexual averision disorder. Ito yung repulsion sa lahat ng sexual activity kung saan ay nakararanas siya ng takot at panic attacks.

May mga kababaihan na may sexual arousal disorder kung saan bigo sila sa sexual excitement. Ang katumbas nito sa kalalakihan ay ang tinatawag na impotence o ayaw tumigas ang ari.

Ang tinatawag na dyspareunia ay ang pagsakit ng genital o pelvic na nagaganap sa panahon ng pagtatalik. Nangyayari ito sa lalaki at babae.

May kalalakihan na nagiging problema ang pagpasok ng kanilang ari sa vagina. Nagkakaroon ng involuntary contractions sa lower vaginal muscles.

Maraming psychologic causes sa sexual dysfunction. Ito ay ang mga sumusunod: Anxiety, guilt, anger towards sexual partner, fear of pregnancy, boredom with the sexual partner at ang traumatic sexual experiences gaya ng rape.

Show comments