‘KSP’ ba si Sen. Jamby?

HARD-hitting opposition lawmaker si Sen. Jamby Madrigal. Pero sa imbestigasyon ng ZTE scam sa Senado kamakailan, mistula siyang “pakawala” ng Malacañang. Iyan ang obserbasyon ng ilang media people na  nagko-cover sa Senado.

Imbes na makatulong daw  sa imbestigasyon, siya pa ang stumbling block sa pagsisiyasat sa “kidnapping” accusation ng ZTE star witness na si Jun Lozada. Bakit ko nasabi? Nagsampa si Madrigal ng kasong obstruction of justice laban sa ilang miyembro ng pulisya na ma­kapagbibigay linaw (sana) sa alegasyon. Handa  naman daw tumestigo ang mga naturang pulis pero lalong na-takot dahil sila’y kinasuhan. Suma total, lalung lumabo ang isyung binubusisi.

Lalung natakot  dumalo ang mga ipinatawag na pulis mula sa PNP Police Protection and Security Office sa pag­dinig noong Lunes. Ayon kay  Atty. Felisberto Verano Jr., handa umano ang mga kliyente niyang pulis, sa pa­mumuno ni Police Chief Supt. Romeo Hilomen at Supt. Paul Mascarinas, na dumalo sa pagdinig. Pero dahil sa isinampang kaso, natakot ang mga pulis. Nangamba na ang kanilang testimonya ay magamit pa laban sa kanila. Ginamit kasi ni Jamby ang testimonya ni Mascarinas noong Pebrero 11 sa pagdinig ng Senado sa kasong isi­nampa sa Ombudsman laban sa kanila.

Dahil dito, malinaw na ang focus ng pagdinig ay hindi upang magbalangkas ng batas kundi upang “umusig” anang abogado. 

“To (my) clients, it is clear that the evidence used against those charged in the criminal case for obstruction of justice were the very statements they themselves made before this august body” dagdag pa ni Verano.

Matalinong mam­babatas si Sen. Jamby. Pero naka­limutan kaya niya na ang mga ipinatawag at ipina­pa­tawag na pulis ay mga panauhin sa pag­dinig, at hindi para hu­marap sa isang pag­lilitis? Hin­di isang korte ang Se­nado kundi isang lehis­latura na itinakda ng Saligang Batas na bu­muo ng batas. Mula sa kilalang matatalinong angkan na Abad San­tos at Madrigal, nagku­ku­ma­hog si Jamby na iharap sa Ombudsman ang kasong ito. Bakit?

Sabi ng isang repor­ter na kumokober sa Senado, hindi pi­na­pan­sin ng mga ma­mama­hayag si Sena­dora. Ka­ilangan niyang gumi-mik para mapan­sin. Ang description sa kani­ya ng ilang reporters ay “parang isang kang­karot na kanyong nag­mamadali sa pagha- ha­nap ng paraan upang ma­pan­sin”. Pero ang masa­mang nangyari, ang isinampa niyang kaso ay naging dahilan upang mahadlangan ang paghahanap ng katotohanan sa uma­no’y pagdukot kay Lozada. Sino ngayon ang naka-obstruct ng hustisya? Nagtatanong lang.

Show comments