Euthanasia

MAYROONG panuka­ lang batas ukol sa “mercy killing” o ang tinatawag na Euthanasia Bill pero nalalambu­ngan pa rin ito ng ulap dahil sa maraming isyu — emotional, legal at pangrelihiyong usapin. Ang Euthanasia ay ang pamamaraan ng pagkitil sa isang taong may malubhang karamda­man na hindi na maaari pang gumaling o yung mga tinatawag na “gulay” na. Ang salitang Euthanasia ay nanggaling     sa salitang “good and death”.

Isasagawa lamang ang Euthanasia kapag ang taong may mabigat na sakit ay hiniling sa doctor ganoon din sa kanyang mga kamag-anak na kitilin na ang kanyang buhay.

Ang active Euthanasia at mahigpit na ipi­ nagbabawal sa mara­ming bansa. Sabi ng religious groups ito ay malinaw na pagsu-suicide o murder kaya immoral. Gayunman ma­rami ang nagsasabing mas mabuti ang euthanasia sapagkat natata­himik na ang tao kaysa hayaang buhay pero “gulay”.

Isa sa mga paraan ng pagsasagawa ng Euthanasia ay ang pag-aalis sa support o ang pag-aalis ng medical treatment. Hahayaan ang pasyente na ma­matay naturally at ito ay legal sa batas.

Mahirap magdesis­yon para sa pamilya ng pasyente. Nagbibigay ito ng pagkabahala at hindi malaman ng ba­wat isa kung tama bang kitilin na ang buhay ng pasyente. Mayroong  iba na hindi itinutuloy ang balak at hinaha­yaan na lamang ang pasyente sa sitwas-yong nakaratay ito at hintayin ang oras.

Mahirap ang isyung ito kaya naman dapat magkaroon ng ugnayan ang Philippine Medical Association, Department of Health at Department of Justice, kasama ang mga mam­babatas para ma-dissect at maplantsa ang isyu sa Euthanasia.

Show comments