UP to now pala ay naghihintay ng christmas bonus ang mga employees sa Philippine Postal Office porke dehins pa naibibigay ang kalahating bonus na pangako ni Prez Gloria Macapagal Arroyo sa mga ito.
Sabi nga, promises are made to be broken. Hehehe!
Abot langit ang panalangin kay Lord ng mga employees ng PPO para bumaba mula sa kalangitan ang grasiyang pangako.
Sabi nga, Lord please help us!
Halos araw-araw na ginawa ni Lord na inaabangan ng mga empleado ng PPO ang P5,000 pangako ni Prez GMA sa kanila at ipinagdarasal nila ito na sana huwag madisgrasiya. Hehehe!
Next Friday, February 1 na mga kamote sana ma bigay na ang pitsang inaasahan ng mga mahihirap na empleado ng Philippine Postal Office.
Smuggling matindi - PASG!
AMINADO si Usec. Bebot Villar, bossing ng Presidential Anti-Smuggling Group na mas masahol pa sa sakit na cancer ang smuggling na nangyayari sa Philippines my Philippines.
Hindi lang sa car smuggling nakatutok ngayon ang mga galamay ni Bebot kundi sa oil smuggling porke mas matindi.
Sabi nga, walang buwis na ibinabayad sa Republic of the Philippines.
Billion of pesos ang nawawala sa kaban ng gobierno dahil sa oil smuggling puera pa ang mga imported products na ipinapasok sa bansa tulad ng mga mamahaling tsikot.
Bantay sarado ang mga bataan ni Bebot hindi lang sa Subic kundi maging sa Cebu porke todits daw inilipat ng mga kamoteng sindikato ang kanilang operasyon.
Sana mga kamote mahuli kayo!
Inamin ni Bebot na may sabwatan ang mga gagong taga-gobierno at mga sindikato kaya naman ito ang kanilang wawakasan.
Ayon sa ating bida, sangdamukal na ang kanilang sinampahan ng kaso sa mga korte sa Philippines my Philippines kaya lang may ibang nahuhulog ang kaso pagdating sa ilang prosecutors.
Pangil ni Tony Santos
NAPAKALAKING area pala sa Philippines my Philippines ang nakuhang lugar ni Tony Santos kung ang jueteng operation nito ang paguusapan.
Bukod sa mga bayan sa Rizal, na exclusive niya ay nakuha pa nito ang mga lugar sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) at exclusive din niya dahil malaking magbigay ng tiembre sa mga foolish cops ang matanda.
Sa Nueva Ecija, ay meron na rin jueteng operation si Tony Santos at maging sa Quezon City ay nakakuha na rin siya ng ilang lugar.
May malakas na padrino si Tony Santos kaya ito ang ipinagmamalaki nito sa mga foolish cops kaya hindi siya masaling ng mga bataan ni NCRPO bossing Geary Barias.
Totoo kaya ito? Col. Danao paki-explain.
Hindi matatapos ang Pebrero malamang huminto ang operasyon ni Tony Santos sa Rizal porke ayaw ni Region 4 bossing Ricardo Padilla ng mga bisyong sisira sa lipunan at maging sa kanyang pangalan.
Sir, Pady, paki-sampolan mo nga si Tony Santos!
‘Mapahinto kaya ni Pady ang operasyon ni Santos sa buong lalawigan ng Rizal?’ Tanong ng kuwagong manghihilot.
‘Kung sa Batangas huminto sa Rizal pa kaya na malapit sa Metro-Manila’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Totoo!’
‘Wait ang see tayo mga kamote!’
Abangan.