(Huling Bahagi)
KAGAYA ng nabanggit ko sa unang bahagi, ang parasites ay nakapapasok sa katawan sa pamamagitan ng pagdaan sa digestive system. Mangingitlog sa dingding ng bituka at makalipas ang ilang araw mayroon nang larvae.
Karaniwang sintomas ng pagkakaroon ng trichinosis ay ang diarrhea at kawalan ng ganang kumain. Ang larvae ng parasites ay kakalat sa tissues ng katawan at ang karaniwang sintomas ay ang pamamaga ng itaas na talukap ng mga mata dahil sa fluid retention (edema). Nangyayari ito karaniwang 11 araw makalipas ang infection. Maaaring magkaroon ng pagdurugo sa tissues ng mga mata at sa dila, masyadong sensitibo sa liwanag, pananakit ng kalamnan, iritado ang balat.
Ang taong may trichinosis ay mapapansing mahi-nang-mahina at nakararanas ng sakit. Nahihirapan ding lumunok, ngumuya at magsalita. Nagkakaroon din ng pagtaas ng bilang ng white blood cells.
Nilulunasan ang trichinosis sa pamamagitan ng gamot na pumapatay sa parasites kagaya ng mebendazole o thiabendazole.
Isa sa ipinapayo sa may trichinosis ay ang kumple-tong pamamahinga. Kinakailangang uminom nang maraming tubig.
Pinapayuhan ang mga tao na ilutong mabuti ang kar-neng baboy bago kainin at nang makaiwas sa trichinosis.