HINDI lang dapat ang grupo ni Supt. Sumulong at 24 na kasamahan nito sa Makati Police Division ang dapat sinipa ni PNP bossing Sonny Razon sa isyu ng failure to stop the march ng grupo ng dumalo este mali Magdalo soldiers pala sa pangunguna ni Senator Antonio Trillanes et al ng takasan nila ang pagdinig sa Makati RTC at nag-standout sa Manila Peninsula Hotel the other week.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kasong administratibo ang ihahain sa mga bataan ni Sumulong ng PNP pero dapat daw isama dito si NCRPO Chief Geary Barias sa isyu ng ‘COMMAND RESPONSIBILITY’.
Naku ha!
Sangkaterba ang nagtaasan ng kilay ng sibakin ni Sonny ang grupo ni abante este mali Sumulong pala dahil hindi nito isinama si Barias.
Sabi nga, why?
Si Barias, kasi ang bossing ng mga katulisan este mali kapulisan pala sa National Capital Region kaya dapat nakasama din ito sa penalty.
Ayon sa mga kasangga ng mga kuwago ng ORA MISMO, maganda kasi ang ipinamalas ni Barias sa kamera este sa Makati standout pala dahil marami ang natuwa ng hila-hila nito si Trillanes sa pantalon habang kinakaladkad nila ang huli para sumakay ng bus.
Sabi nga, mga CAVALIERS kasi!
Pero sa mga kuwago ng ORA MISMO, sapat na ang ginawa ni Chief PNP sa mga galamay ni Sumulong dahil wala itong ginawa at nangkukunwari pang hindi niya alam ang cell phone ng kanyang Mayor kaya hindi niya ito naimpormahan ng magkaroon ng kaguluhan sa Makati nuon.
Hay, naku style ninyo bulok!
Jueteng sa Region 2
TUMIGIL pala ang jueteng operation sa Region 2 ng tamaan sila ng malakas na bagyong Lando kaya walang nagawa ang mga kubrador todits porke busy ang madlang people dito na ayusin muna nila ang kanilang pamilya at ari-arian para makaligtas sa bagsik ng storm.
Karamihan kasi sa mga house nila ay nakamote nuon kalakasan ng bagyo kaya naman ang mga mananaya sa jueteng ay naka-concentrate sa kanilang haybol at hindi sa dayaan bolahan.
Ngayon tapos na ang bagyo balik normal ang mga sugarol todits kaya naman balik kubrahan ang mga kamote sa Isabela tulad sa mga bayan ng Tuguegarao may kubransang P.5 million, Sta. Maria P .2 million, San Pablo P180,000, Cabagan P130,000, Tumawini P180,000, Ilagan P350,000, Gamu P110,000, Reyna Mercedes P230,000, Cawayan P400,000, Alicia P350,000, Santiago P.5 million, San Manuel P180,000, San Mariano P110,000, San Agustin P140,000, Jones P90,000, Roxas P250,000. Manlic P80,000, Cordon P90,000. San Mateo P110,000. Ramon P140,000, Sto. Tomas P190,000, Macuaakon P90,000 at Delfin Albano P250,000.
Three times a day ngayon ang bola ng jueteng todits kaya naman tinatawagan ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Isabela Governor Padaca na paimbestigahan ang nagaganap na dayaan bolahan sa kanya lugar dahil maraming kabataan todits ang nagugumon sa masamang bisyo.
Kung si Region 2 Director Amateo Tolentino, ang tatanungin tiyak hindi niya alam ito?
Isang Pascual ang bagman sa nasabing operasyon at ang grupo ni Boy Bata ang kausap ng foolish cop at mga bugok na LGU’s siya ang management dito. Si Tony Ong, isang druglord at Nora de Leon ang mga financer ng jueteng.
Sa Nueva Viscaya sa lugar ni Governor Banti Cuaresma at PNP Provincial Director Duran wala kaya silang alam na ang mga bayan ng Bayombong ay may P.4 million ang kubransa, Solano ay P450,000, Ariao ay P200,000, Bambang ay P220,000, Sta. Fe ay P400,000 at Alfonso Castaneda ay P300,000
‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago kaya sa susunod na kabanata ganito rin dyaryo abangan ang balitang dayaan bolahan’
‘Ano kamote!’