BINABATI natin ang ENIT, dyan ngayon ang bago nilang lokasyon sa may 1-A Bouganvilla St., kanto ng Balete Drive, sa New Manila, Quezon City.
Sa madlang people na may problema sa katawan huwag mag-atubiling magtungo rito para maayos ang mga masasakit na nararamdaman ninyo.
Sabi nga, huwag magtipid sa kaunti halaga kung kaginhawahan ang isusukli sa inyo ng ENIT.
Subukan ninyo mahirap magkuento kung hindi masusubukan ang sarap na magagawa at ang ginhawang mararamdaman ng isang taong nagtungo sa ENIT.
Saludo tayo kay Ladie Coronel, ang owner nito, Virgie Batungbakal, Conchita Maling, Eduardo Macapagal, Allan Marinay, Joselito Pinon, Minerva Sunga, Crisanto Cabanayan, Renalyn Luscares, Dante Obinque, Eric Joshua Tribo, Mary Ann Robles at Edwin Ocampo.
Ang mga ito ang siyang magbibigay sa inyo ng ginhawa at sarap na pakiramdam sa katawan.
Subukan ninyo!
Ang isyu, up to now ay alaws tigil ang pagbira ng mga bright people sa National Press Club regarding sa MURAL na ginawa ng Neo-Angono Artist Collective.
Ika nga, sinisiraan ang mga official ng NPC!
Gumawa kasi sa NPC ang mga magagaling natin pintor para ipakita sa madlang people ang halos nangyayari sa Pinas ngayon kaya lang ang naging problema ang ipininta ay hindi naibigan ng madlang people sa NPC na siyang kumuha sa kanila.
Hindi kasi masikmura ng mga batang official na halal ng mga miembro ng NPC ang ginawang pintura sa dingding ng nasabing gusali porke radical daw ang dating ng mga naka-drawing todits ayon sa mga official ng NPC.
May mga sungay, tatoo na hindi magandang tingnan echetera kaya ang ginawa ng mga kaibigan natin mga official sa NPC ay binago nila ang drawing na ikinagalit naman ng mga bright people.
Kaya hanggang ngayon ay walang tigil ang mga ito na siraan ang mga taga-NPC sa madlang people na nakakausap nila.
Sabi nga, may limitasyon ang pinagusapan!
Alam ng mga official ng NPC na may sariling interpretasyon ang mga gumawa nito regarding sa press freedom pero ang problema masiado itong naging kontrobersyal sa tingin ng ating mga kapatid sa NPC.
Sa paningin ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas gusto ng mga kasama natin sa NPC ang generic at wanted a more generic at unbiased presentation of what “press freedom” is all about.
Mas maganda siguro kung magkakaroon ng pagpupulong para pagusapan kung anuman ang pagkakamali ng isa’t isa hindi iyong siraan gaya ng nababalita ngayon.
Ika nga, pare-pareho tayong magkakasakitan. Hehehe!
Iba na ang NPC ngayon pinalalakad ng mga taong may kredibilidad at sincere sa kanilang mga kapatid sa media kaya naman may malaking pagbabago ang nangyayari ngayon sa nasabing asosasyon.
Pinapinturahan, binago ang elevator na hindi nagawa ng mga naunang bright people kaya para sa ating mga official ngayon ng NPC MABUHAY KAYONG LAHAT!
‘Siguro mas maganda kung itigil na lamang ang puro satsat at magtulungan na lamang para sa ikakaunlad ng press people na members ng NPC’ anang kuwagong talunan sa eleksyon.
‘Siguro nga mas maganda kung magkakaganito’ sagot ng kuwagong maninipsip ng tahong.
‘Ano sa palagay mo dapat bang suportahan ang mga nakaupong official ng NPC?’ tanong ng kuwagong kamote.
‘Dapat lang dahil para sa members ang interes nila at ginagawa.’
‘Kung ganuon dapat silang palakpakan’
‘Kamote, korek ka dyan!’